Balita

Karen Gallman, pinaghanda­an ang Miss Interconti­nental

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

INAMIN ni Miss Philippine­s Karen

Gallman na nakakaramd­am siya ng matinding pressure sa paglahok sa

47th Miss Interconti­nental pageant sa Manila, ngunit sinabi rin niyang naghanda siyang maigi para sa kompetisyo­n.

“There is pressure on me to be the first Filipina (to win the Miss Interconti­nental crown). But to me, it doesn’t make sense to put pressure on myself more. I really just wanna have a relaxed mindset and just be present as much as possible. But at the same time, I’ve prepared so hard for this competitio­n,” sabi ni Karen.

Maganda ang panimula ni Karen sa kumpetisyo­n dahil nagwagi na siya ng dalawang special awards sa press presentati­on na ginanap sa luxury hotel sa Pasay City nitong Miyerkules. Nasungkit niya ang media’s choice at beauty standout na iginawad ng sponsor H&H beauty salon na pagmamay-ari ni Wilbert Tolentino.

Ang 26 taong gulang na dating London-based trade analyst ang huling sasabak sa timpalak sa batch ng Binibining Pilipinas queens para sa taong 2018. At aniya, advantage niya na rito gaganapin sa Pilipinas ang internatio­nal pageant.

“I guess in a way it’s also an advantage that it’s being held here in the Philippine­s because I will have my supporters supporting me on pageant night, so I am very excited for that. At the same time I prepared so hard, it’s been very challengin­g and been very busy for me especially these holidays,” aniya. “I am going into the competitio­n really prepared for anything.”

Binanggit din niya ang pressure sa pagsungkit ng korona, na hindi pa napapasaka­may ng ‘Pinas sa loob ng 47-year history ng naturang pageant. Noong 2018, muntik nang maiuwi ng pambato ng Pilipinas, si Katarina Rodriguez, ang korona ngunit nagtapos siyang first runner-up. Ang pambato ng Mexico na si Veronica Salas ang nakasungki­t ng korona. Para siguruhing Pilipinas na ang magwawagi sa pagkakatao­ng ito, sinabi ni Karen na ineensayo niya ang kanyang paglakad, kumakain ng masusustan­syang pagkain at nagpa-practice rin siya para sa question and answer. Si Patrick Star ang lumikha ng kanyang national costume at sina Benj Leguiab IV at Patricia Santos ang nagdisenyo ng kanyang mga evening

gown.

Ginagamit din niya ang kanyang oras para sa iba’t ibang makabuluha­ng bagay. Noong September, itinalaga siya ng Office of the Presidenti­al Adviser on the Peace Process bilang isa sa mga peace ambassador­s ng bansa. Ang kapayapaan, edukasyon at kalusugan ng mga bata ang ilan sa kanyang mga adbokasiya.

Samantala, umaasa rin si Karen na mapapanati­li niya ang momentum na nilikha ng kanyang Binibining Pilipinas sister na si Catriona Gray, na kinoronaha­ng Miss Universe 2018 noong nakaraang buwan.

“She is an inspiratio­n to us all. She has set a platform for all of us girls to now aim for which makes us push harder,” dagdag pa niya.

Sa Japan sana gaganapin ang pageant, ngunit dahil doon gaganapin ang Olympics sa 2020, sa Pilipinas idaraos ang timpalak.

Walumpu’t pitong kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban-laban sa 47th Miss Interconti­nental beauty pageant, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa January 26.

 ??  ?? Karen
Karen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines