Balita

Sampal ni Sanya, pinakamala­kas—Dennis

- Nora V. Calderon

IBA na ang aura ng character ni Dennis Trillo bilang Elias nang humarap siya sa ilang entertainm­ent press sa set visit ng Kapuso primetime action-drama series na Cain at Abel.

Kung ilang linggo nang napapanood si Dennis bilang Elias, na masyadong seryoso, at maraming angst sa katawan dahil sa galit niya sa hindi nakikilala­ng kapatid na si Daniel (Dingdong Dantes) na gusto niyang paghiganti­han dahil ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak nila ni Margaret (Sanya Lopez).

“Ngayon po ay nagbago na ng buhay ko, medyo yumaman na ako dahil nagustuhan ng big boss namin

(Lucho Ayala) ang trabaho ko,” kuwento ni Dennis. “Maganda po rito, ang huhusay ng director namin, si Direk Don Michael Perez at ang action director na si

Toto Natividad. Lagi kaming may collaborat­ion sa kanila at sa creative team, at nagsa-suggest kami ng mga inputs namin.

“Lagi po kaming may brainstorm­ing, iyong sarili naming ideas ibinabahag­i namin. Sa totoo po, excited na ako sa climax ng serye namin pero matagal pa iyon.”

Natanong tuloy si Dennis kung gusto rin ba niyang magdirek soon?

“Kung mabibigyan po ako ng chance, kasi iniidolo ko po talaga si Mr. Eddie Garcia, kasi artista at director din siya noon.”

Naikuwento ni Dennis na marami na siyang natutuhan ngayon, lalo na sa paghawak ng baril, at sa mga action scenes niya. Pero hindi mo rin matatawara­n ang mga drama scenes niya lalo na nung namatay ang kanyang anak at ang galit niya kay Daniel dahil doon. Tulad ni Dingdong, binigyan din ng chance ng GMA Network si Dennis na gumawa ng movies besides sa mga teleserye na ginagawa niya.

“Kasabay ko ring ginagawa habang nagti-taping, ang

Mina-Anud with Matteo Guidicelli at Jerald Napoles. At tatapusin ko na rin ang On The Job 2 under Erik Matti, at may coming pa akong movie.”

Nakumusta kay Dennis ang katambal niyang si Sanya.

“Bilib po ako sa kanya dahil kahit bago pa lang siya, ipinakita niya na kaya niya ang role niya. Sa sampalan scene namin, binilinan ko siya na totohanin niya para maramdaman ko ang galit niya.

“Nagulat ako, kasi sa mga sumampal sa akin, siya iyong pinakamala­kas sumampal, namula talaga ang pisngi ko. Kaya sorry siya nang sorry, pero sabi ko okay lang sa akin dahil mas gusto ko iyon, kaysa iyong fake na awkward kung mahahalata sa screen na fake.”

Ngumiti si Dennis nang tanungin kung sila pa rin ni Sanya sa ending o magiging sila naman ni Solenn

Heussaff, na dating girlfriend ni Dingdong sa serye. Mukhang may palitang magaganap, kaya subaybayan na lang natin ang Cain at Abel every night after ng 24 Oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines