Balita

Ahas

- Ni PERRY C . MANGILAYA

NIka-23 labas

AKAPAKO ang tingin ni Leo kay Lolo Onyong habang matamang nakikinig siya rito.

“Isipin mo, ha, pa’nong nabuntis ‘yon, e wala namang asawa. Ni manliligaw nga, wala. At ayon sa pagsusuri ng doktor noon, virgin pa talaga si Adelfa pero malinaw na buntis. Ang akala nga nila, bukol lang kaya lumalaki ang tiyan. At tingnan mo ang anak, kakaiba. Kakaiba ang kaputian ng balat at buhok. Kung sa katawagan pa natin, anak-araw nga. Pero ang hindi kasi nila alam, gano’n ang hitsura ng mga engkanto.” Tumango-tango siya.

“Ang hindi ko lang inaasahan no’n, maaga pa lang ay kinuha na ng amang engkanto ang sanggol. Kadalasan kasi n’yan, pagsapit ng ikadalawam­pu’t isang taon ng sanggol, saka pa lang kukunin ng amang engkanto. Pagsapit ng edad na ‘yon, mamamatay sa sakit ang bata, isang sakit na walang gamot na makapagpap­agaling. Walang doktor na makakaalam kung anong uring sakit ‘yon. Dahil ang totoo, wala naman talagang sakit. Kundi isang paraan ‘yon ng engkanto para makuha ang bata.”

“Bakit nga ba kinuha agad ng amang engkanto?”

“Sigurista ang amang engkanto. Hindi na niya hinintay na dumating sa edad na ‘yon. Kaya pagkapanga­nak pa lang, kinuha na niya ang sanggol kaya patay na ito nang lumabas.” Hindi siya umimik.

“Pero ang totoo n’yan, ‘yong nakitang patay nang sanggol, hindi naman totoong tao ‘yon. Kundi puno ng saging lang naman ‘yon. Pinalitan ng amang engkanto.”

“Pero marami raw ang nakakita at nagsasabin­g, sanggol talaga ang lumabas.”

“Hindi,” umiling-iling ang albularyo. “Sa paningin lang ng mga tao ‘yon. Dahil may kapangyari­han ang engkanto na kayang linlangin ang paningin nating mga tao. Pero ang totoo, nakuha na ng amang engkanto ang anak ni Adelfa. Nando’n na sa kaharian nila. Buhay na buhay. Nagbunyi at nagdaos pa ng piging sa kaharian nila para sa pagdating ng sanggol.”

Naalala ni Leo, kumalat iyon sa kanilang baryo noon, na umabot pa sa buongbayan. Naging laman ng mga huntahan sa mga umpukan. May naniniwala, pero mas marami ang hindi. Katulad marahil sa nangyari sa kanyang asawa ngayon. Na marahil, sa bawat sulok ng umpukan, sentro ng usapan ang kanyang asawa.

Naalala rin niya ang usap-usapan noon, kaya lang naman daw namatay ang sanggol ni Adelfa pagkalabas dahil sa hindi kuno maayos na pagaalaga nang panahong buntis ito. May usap-usapan pa noon na nagtangkan­g magpalagla­g si Adelfa. Uminom nang uminom ng kung anu-anong gamot. Ni hindi rin daw iyon nagpapakon­sulta sa doktor. Kaya hindi na raw nagtataka ang mga tao kung bakit patay na ang sanggol nang lumabas ito. At kung dinala raw agad sa ospital noong manganak, sana’y na-cesaerian ito at nailigtas ang sanggol.

Hindi rin makalilimu­tan ni Leo na nagkaroon din ng usap-usapan noon, na albinism daw ang kondisyon ng anak ni Adelfa, at hindi anak ng isang engkanto. Isang kondisyong namamana raw sa mga magulang, o sa miyembro ng pamilya, lalo pa’t may kasaysayan ng albnisim ang pamilya ni Adelfa. At marahil daw, ang nakabuntis kay Adelfa ay may lahi ring albinism. At walang naniniwala na birhen pa si Adelfa. Dahil unang-una, wala naman daw sumuri na doktor. Palabas lang daw iyon at peke raw ang resulta ng pagsusuri.

Nagbunga iyon ng halo-halong espekulasy­on. Naroong naanakan lang daw si Adelfa. Na ipinalabas at pinaniwala ang mga tao na engkanto ang nakabuntis upang makaiwas sa kahihiyan. Lalo pa’t ang nakabuntis ay may asawa na.

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines