Balita

12-anyos ginilitan, ninakawan

- Nina MINKA KLAUDIA S. TIANGCO at ORLY L. BARCALA

Patay at may gilit sa lalamunan nang matagpuan ang isang 12-anyos na babae sa kanyang bahay sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Mhyrraquel Singson.

Ayon sa katulong ng pamilya Singson, na kinilalang si Rossel Villaralbo, nagpunta siya sa bahay ng biktima upang maglinis nitong Miyerkules, bandang 4:00 ng hapon.

Sinabi ni Villaralbo na bukas ang gate ng bahay nang siya ay dumating. Gayunman, walang nagbubukas ng pinto nang pindutin niya ang doorbell.

Nang sumilip sa bintana sa kusina, nakita niya si Singson na naliligo sa sariling dugo.

Agad niya itong ini-report sa awtoridad.

Sa imbestigas­yon, umuwi nang maaga si Singson matapos na mag-exam sa kanyang paaralan. Mag-isa siya sa bahay dahil nagtatraba­ho ang kanyang magulang at ang kanyang mga kapatid ay nasa eskuwelaha­n.

Ayon sa mga imbestigad­or, walang ebidensiya na puwersahan­g pinasok ang bahay, na nangangahu­lugan na ang suspek ay kakilala ng pamilya.

Ayon kay PCP Commander Harold Melgar, ang bayaw ng ama ng biktima ang suspek dahil ito lang ang may duplicate ng susi ng bahay ng biktima.

Ayon sa suspek, naligo siya sa bahay ng biktima at umalis sa ganap na 2:30 ng hapon.

Sa larawan ng isang babae na ibinahagi sa Facebook, sinabi ni Colenso Singson, ama ng biktima, “Mhyrraquel, we love you. Praying for justice. Sorry I wasn’t there for you. - Papa.”

Tinangay ng suspek ang dalawang cell phone mula sa bahay ng biktima, ayon sa awtoridad.

Narekober ang dalawang kutsilyong ginamit sa krimen.

Ayon kay Police Insp. Joe Mar Ronquillo, Caloocan City Police Station Investigat­ion Unit Chief, inaalam na nila kung may closedcirc­uit television (CCTV) camera sa lugar upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng suspek.

Isinailali­m din sa autopsy ang biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines