Balita

EKONOMIYA, SUMADSAD

6.2% GDP noong 2018, pinakamaba­ba sa 3 taon

- Ni BETH CAMIA May ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos

Bumaba sa 6.2 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas nitong nakalipas na taon, kumpara sa 6.7% na naitala noong 2017, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Bagamat sumigla ang ekonomiya ng bansa sa 6.1% sa ikaapat na quarter ng 2018, kumpara sa 6.0% noong third quarter, nakapagtal­a lang ng kabuuang 6.2% growth rate ang bansa sa buong taon.

Ang resulta ng gross domestic product (GDP) nitong Oktubre hanggang Disyembre ay mababa kumpara sa target ng gobyerno.

Ito na ang pinakamaba­gal sa tatlong taon, simula nang pumalo ang ekonomiya sa 5.8% noong 2015.

Kaugnay nito, nangako ang Malacañang na magsisikap ngayong taon makaraang umaming dismayado ang pamahalaan na hindi nakatupad sa 6.5- hanggang 6.9-percent target GDP growth para sa 2018.

Sa press briefing kahapon, sinisi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo ang pagbagal ng ekonomiya sa serye ng mataas na inflation rates sa bansa noong nakalipas na taon.

“That was because of the inflation, eh. Inflation rate ang naging problema, ‘yan ang sinasabi ng economic managers,” sabi ni Panelo.

“Definitely OK na OK na ‘yun (6.2% GDP) considerin­g the circumstan­ces surroundin­g the economy.

“Well, you always have a concern when you don’t reach a certain target. But you work harder so that you can reach it the next time,” dagdag pa ni Panelo.

“Kung may target ka at ‘di mo nakuha, siyempre disappoint­ed ka. But it doesn’t mean you feel that you’re such a failure. You work harder para you can reach your target,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines