Balita

32 probinsiya, apektado ng tagtuyot

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Apektado ng tagtuyot ang 32 lalawigan sa bansa, kahit hindi pa man nararamdam­an nang husto ang El Niño sa tropical Pacific Region.

Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), nananatili pa rin sa El Niño level ang sea surface temperatur­e sa Pasipiko.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na kung pagbabatay­an ang atmospheri­c indicators, katulad ng nararanasa­ng cloudiness, tradewinds at southern oscillatio­n index, ay hindi nagbabadya na

Magiging matindi ang mararanasa­ng El Niño.

Isa lang ang paniniyak ng PAGASA, unti-unti nang namumuo ang El Niño at inaasahang mararamdam­an ang epekto nito sa ilang bahagi ng bansa.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na aabot sa 15 na probinsiya ang apektado na ng tagtuyot habang 17 lugar ang nakaranas ng dry spell sa nakalipas na mga buwan.

“Drought is defined as three consecutiv­e months of way below normal (60 percent reduction from average) or five consecutiv­e months of below normal (21 to 60 percent reduction from average) rainfall condition,” ayon sa PAGASA.

Kabilang sa 15 na lugar ang Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite, Occidental Mindoro, at Palawan, pawang sa Luzon.

Nakaranas na rin ng dry spell ang 12 lugar sa Luzon, tatlo sa Visayas at dalawa sa Mindanao.

Paglalahad ng ahensiya, ang dry spell ay pagkakaroo­n ng tatlong magkakasun­od na buwan na may below normal rainfall conditions.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines