Balita

Pabayang magulang, parusahan din –Palasyo

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at LEONEL M. ABASOLA

Hinimok ng Malacañang ang Kongreso na maglagay ng probisyon na papanaguti­n ang mga pabayang magulang sa mga krimen na nagawa ng mga batang lumabag sa batas matapos ipanukala ng House of Representa­tives na ibaba ang minimum age of criminal responsibi­lity (MACR) mula sa 15- sa 12-anyos.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ibaba ang MACR upang ikintal ang disiplina sa mga magulang at mga bata.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Panelo na ang nasabing probisyon ay hindi pa nakapaloob panukalang batas, at nagsuhesti­yon na marahil ay mapapabuti pa ng Kongreso ang panukala.

“Baka Congress can introduce provisions to that, na in case of children committing crimes, parents proved to be neglectful then should also be accountabl­e,” aniya kahapon.

Gayunman, sinabi ni Panelo na bahala na ang Kongreso na magpasya kung ano ang nais nilang gawin sa panukala.

“The President is expressing an idea. It’s again on the part of Congress to realize this idea,” aniya pa.

Sa ilalim ng revised penal code, ang mga nagkasalan­g bata ay ibibigay sa institusyo­n na pinamamaha­laan ng Department of Social Welfare of Developmen­t (DSWD). Ayon kay Panelo, ito ay isa nang parusa sa mga magulang.

Samantala, sinabi ng opisyal ng Palasyo na maaari namang magdagdag ng pondo ang pamahalaan sa mga institusyo­n na paglalagya­n ng mga batang pasaway matapos sabihin ni Senator Bam Aquino na kulang ng mga pasilidad ang gobyerno para tumulong sa pagrerepor­ma ng mga bata.

“Kung ‘yan lang ang problema eh ‘di dagdagan natin ng pondo. Napakaliit naman ng problemang ‘yan,” ani Panelo.

Muli namang iginiit ni Sen. Leila de Lima ang pagsasabat­as ng kanyang Senate Bill No. 195 o Anti-Criminal Exploitati­on of Children Act na naglalayon­g patawan ng mas mabigat na parusa ang mga taong kinakasang­kapan ang mga menor de edad sa krimen.

“Lowering the age of criminal liability from 15 to nine years old cannot be an effective response to fight rising criminalit­y. Our children are not the criminals here but victims of abuses and exploitati­on. They don’t belong in jail,” ani De Lima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines