Balita

Trump, iginigiit ang speech sa Congress, Pelosi ayaw

-

WASHINGTON (AFP) – Sinalag ni US House Speaker Nancy Pelosi nitong Miyerkules ang pamimilit ni President Donald Trump na ibigay ang kanyang State of the Union speech sa susunod na linggo sa Congress, sa banggaan ng power elite ng Washington.

Ang iringan sa kung saan idadaos ang annual political set-piece ay sideshow sa pagmamatig­asan ng White House at ng Democrats sa Congress kaugnay sa partial government shutdown na ngayon ay nasa ika-33 araw na.

Karaniwang ibinibigay ng pangulo ang talumpati sa bulwagan ng House of Representa­tives, sa joint session ng Senate at House.

Lumiham si Trump kay Pelosi na magiging ‘’very sad for our Country if the State of the Union were not delivered on time, on schedule, and very importantl­y, on location!’’

Sinabi ni Pelosi, naging mukha ng Democratic opposition kay Trump sa Congress, na dapat pagisipan ng pangulo na ibigay ang talumpati sa ibang lugar dahil ang shutdown ay nangangahu­lugan na magiging problema ang seguridad. Isinuhesti­yon din niya na magbigay na lamang ng written speech si Trump sa Congress.

Sinagot ni Pelosi ang liham ni Trump, sinabing hindi bibigyan ng awtorisasy­on ng House ang talumpati sa kapulungan ‘’until government has opened.’’

Iginiit ni Trump na ‘’there are no security concerns.’’

Ngunit nanindigan ang Speaker na hindi pagbibigya­n ang kahilingan ng President.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines