Balita

Pagbabawal ng Senado sa China project, posibleng i-veto ni Digong

- Genalyn D. Kabiling

Maaaring gamitin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang veto power laban sa pagbabawal ng Senado sa pagpopondo sa isang Chinaassis­ted security surveillan­ce project sa panukalang 2019 national budget, sinabi ng Malacañang kahapon.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo maaaring bumaling ang Pangulo sa opisyong ito upang matiyak ang pagpopondo para sa Safe Philippine­s project katuwang ang China kasabay ng pagpawi sa mga alalahanin sa posibleng panganib sa pambansang seguridad.

“No funds for the project?.. Well if the President will exercise his power of veto, that can be vetoed,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.

“We understand the apprehensi­on of some senators but necessaril­y this government will not allow any security leaks,” dugtong niya.

Nauna rito ay ipinagbawa­l ng Senado ang pagbabayad ng gobyerno sa loan deal sa pagitan ng gobyerno at ng isang Chinese state-run company sa panukalang 2019 budget dahil sa mga banta sa seguridad at kawalan ng transparen­cy.

Ang P20-bilyon kontrata sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng state-owned China Internatio­nal Telecommun­ication Constructi­on ay iniulat na kinabibila­ngan ng pagkakabit ng closed circuit television cameras (CCTVs) sa mga pampubliko­ng lugar sa Metro Manila at Davao City sa ilalim ng supervisio­n ng isang command center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines