Balita

Mislatel, papalitan bilang third telco kung walang prangkisa

- Genalyn D. Kabiling

Posibleng maghanap ang gobyerno ng isa pang potensiyal na pangatlong telecommun­ication player sakaling hindi uubra ang nanalong bidder na Mislatel consortium, sinabi ng Malacañang kahapon.

Kinumpirma ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na mas nais ng gobyerno na kunin ang isang telco company na matutuguna­n ang mga hinihiling ng estado kabilang ang isang valid franchise.

Naglabas ng pahayag si Panelo matapos sabihin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaaring hindi eligible ang Mindanao Islamic Telephone Co. (Mislatel) na maging third telco player ng bansa dahil maituturin­g na revoked ang prangkisa nito.

Nauna nang ikinatwira­n ni Drilon na nabigo ang Mislatel na makasunod sa hinihiling ng batas para makapag-operate sa loob ng isang taon simula nang igawad ang prangkisa noong 1998.

“Kung walang franchise how can they operate?” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo. “We will look for another company that has a franchise.”

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na kinontra ng Mislatel ang mga pahayag na kumukuwest­iyon sa validity ng prangkisa nito.

“From what I gathered from the lawyer of Dennis Uy, it’s not true. They disputed that, they have documents to show that,” dugtong niya.

Kamakailan ay ideneklara ng gobyerno ang Mislatel bilang third major telco service provider ng bansa kasunod ng selection process. Tinalo ng napiling consortium, na kinabibila­ngan ng China Telecommun­ications Corp., Dennis Uy’s Udenna Corp., at Chelsea Logistics Holdings Corp, ang dalawa pang karibal sa bidding process.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines