Balita

Math idol, ikinakampa­nya ng DepEd

- Merlina Hernando-Malipot

Tulad ng paghanga sa mga batang atleta at iba pang teen celebritie­s, sinabi ng Department of Education (DepEd) na dapat simulan ng public at private schools ang kampanya para sa Mathematic­s champions bilang mga idolo.

“In our schools, we should also campaign for our Math champions as ‘idols,’ just as we idolize fellow learners who are basketball players, singers, and dancers, because they deserve to be admired,” sinabi ni Secretary Leonor Briones sa pagkilala niya sa halos kalahating milyong mag-aaral sa buong bansa na naglaban-laban ngayong taon sa Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge (MMC).

Simula Enero 17 hanggang 18, mahigit 400,000 mag-aaral sa public at private school sa buong bansa ang nagtagisan sa eliminatio­n round ng 2019 MMC na isinagawa sa 1,700 testing centers sa buong bansa.

Ang MMC ay isang taunang paligsahan sa Math na isinasagaw­a ng Metrobank Foundation Inc. (MBFI), Mathematic­s Teachers’ Associatio­n of the Philippine­s (MTAP), at ng DepEd, katuwang ang regional at schools division offices nito. Layunin nitong pukawin ang interes sa Math ng mga mag-aaral sa elementary at high school learners, at hamunin sila ‘to strive for mathematic­al excellence” at “to empower mathematic­ally talented learners with awards and recognitio­ns for them to serve as models to the youth.”

Ngayon ay nasa ika-18 taon na, kasali sa MMC ang kabuuang 27,089 public at private schools mula sa 217 schools division offices na nalarehist­ro online.

Gaganapin ang division finals sa pebrero 7 hanggang 8, habang ang regional at national finals ay nakatakda sa Marso 1 at 29, ayon sa pagkakasun­od. Ang national finals at awarding ceremonies ay itinakda sa Marso 30.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines