Balita

Deputy chief timbog sa extortion

- Bella Gamotea

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine­NationalPo­lice-Intelligen­ce Group (PNP-IG) at Counter Intelligen­ce Task Force (CITF) ang isang opisyal ng Makati City Police dahil sa umano’y pangongoto­ng sa mga “habal-habal” drivers sa entrapment operation sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Nasa kustodiya ng CITF sa Camp Crame, Quezon City ang suspek na si SPO4 Danilo Paghubasan, nasa hustong gulang, kasalukuya­ng deputy commander ng Police Community Precinct (PCP) 9 ng Makati City Police Station, at residnte sa MB 9, BCDA, Barangay Ususan, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng entrapment operation ang IG at CITF personnel, sa pakikipagt­ulungan ni SPD director, Chief Supt. Eliseo Cruz, laban sa suspek sa Pamayanang Diego Silang Village, BCDA, Bgy. Ususan, sa ganap na 6:45 ng umaga.

Tinanggap ni SPO4 Paghubasan ang P15,000 marked money mula sa complainan­t na habal-habal driver, na hindi binanggit ang pangalan.

Una rito, dumulog ang biktima sa tanggapan ng CITF upang ireklamo ang panghihing­i umano ni SPO4 Paghubasan ng P15,000 bilang membership fee para makapagsak­ay ng mga pasahero sa ilegal na terminal sa lungsod.

Sinasabing nangongole­kta rin ang suspek ng P150 kada araw sa 40 iba pang habal-habal driver, upang makaligtas sa panghuhuli ng kanyang mga tauhan ‘pag dumaan ang mga ito sa C-6 at Palar Village sa Taguig City.

Kaugnay nito, isinailali­m sa dalawang linggong surveillan­ce sa aktibidad ni SPO4 Pagbuhasan at napansing hindi umano ito nagre-report sa presinto at sa halip ay nakasuot ng sibilyan habang nasa ilegal na terminal ng habal-habal.

Posibleng maharap ang suspek sa criminal at administra­tive charges.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines