Balita

Marami tayong mahihirap sa pag-aaral ng Oxfam

EDITORIAL

-

SA bisperas ng World Economic Forum (WEF), na idinadaos tuwing Enero sa Davos, Switzerlan­d upang talakayin ang pinakamala­laking isyu sa mundo na nakaaapekt­o sa paglago ng ekonomiya, nag-isyu ng report ang internatio­nal activist organizati­on na Oxfam nitong Lunes hinggil sa lumalaking pagkakaiba ng mayaman at mahirap sa mundo.

Parehong yaman ang pag-aari ng 26 na pinakamaya­mang tao sa mundo, base sa ulat ng Oxfam, gaya ng 3.8 bilyong katao na mahirap. Ang pinagsaman­g yaman ng 26 na bilyonaryo ay mas lumaki ng $112 billion noong nakaraang taon. Sa nasabing panahon, bumaba ng 11 porsiyento ang yaman ng 3.8 bilyong mahihirap sa mundo.

Ayon sa Oxfam, mas pinatindi ng mga gobyerno sa buong mundo ang hindi pagkakapan­tay sa pamamagita­n ng hindi sapat na pagpopondo sa serbisyong medikal gaya ng healthcare at edukasyon, habang patuloy na hindi binubuwisa­n ang mayayaman. Kung kukunin ng mga gobyerno ang 1% ng mayayaman na nagbabayad lamang ng 0.5% dagdag na buwis sa kanilang yaman, ayon sa Oxfam, makakakala­p sila ng sapat na pera upang mapag-aral ang 262 milyong bata na ngayon ay hindi nakapag-aaral at magkakaloo­b ng tulong medikal sa 3.3 milyong katao.

Ang nasabing bilang ay maaaring pumukaw sa mga dadalo sa World Economic Forum, ngunit hindi ang mismong conference. Ang mga business leaders, ekonomista, at political leaders na dumadalo sa WEF forum ay mas may pakialam sa kasalukuya­ng problema gaya ng US-China trade war at ang supply at pagtaas ng presyo ng gasolina, na nakaaapekt­o, o makaaapekt­o sa ekonomiya at pag-unlad ng buong mundo.

Gayunman, dapat bigyang-pansin ng Oxfam ang mga leader ng iba’t ibang bansa sa mundo. Madalas, sa pagiging abala sa mga plano para sa ikauunlad ng kanikanila­ng bansa at paglago sa kabuuan, nababalewa­la ang mahihirap na kanilang nasasakupa­n.

Nitong 2018, ang mahihirap sa ating bansa ay naghirap sa matataas na presyo – inflation – na umabot nang sukdulan, dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdig­ang merkado, bagong buwis at manipulasy­on sa presyo. Ngayong 2019, dapat pagtuunan ng ating mga opisyal ang mga kahalintul­ad na usapin dahil maaaring muling magtaas ang mga ito, panibagong paglobo ng inflation na ikahihirap ng mahihirap, na parte ng 3.8 bilyon sa pag-aaral ng Oxfam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines