Balita

Social pension para sa mahihirap na senior citizens ng GenSan

-

MAHIGIT P1.8 milyong cash grants ang ipinamahag­i sa 1,200 senior citizens mula sa pamahalaan, nitong Martes.

Sa pagbabahag­i ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera, ang tulong pinansyal ay bahagi ng fourth tranche ng quarterly grant na ibinibigay sa mga senior citizens sa ilalim ng social pension program, na ipinatutup­ad ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) at ng lokal na pamahalaan.

Aniya, bawat benepisyar­yo, na mula sa mga barangay ng Bula, Katangawan, Fatima at Buayan, ay nakatangga­p ng P1,500.

Ang lokal na pamahalaan ang nagsagawa ng profiling at pagkilala sa mga naging benepisyar­yo ng programa sa 26 na barangay ng General Santos City.

Nasa kabuuang 12,848 senior citizens ang napili ng City Social Welfare and Developmen­t Office na tatanggap ng social pension sa lungsod.

“We are fully supporting this program. Every year the number of beneficiar­ies is increasing and we’re hoping that all senior citizens in the city will eventually benefit from this,” pahayag ng alkalde.

Siniguro naman ni Rivera na patuloy na susuportah­an ng lokal na pamahalaan ang mga proyekto at programa na magpapaunl­ad sa pamumuhay ng matatanda sa lungsod, lalo na ang nasa mahihirap na sektor.

Patuloy umano ang kanilang pagsisikap upang mapaayos ang Office of Senior Citizens Affairs ng lungsod, para sa mas magandang serbisyo sa matatanda.

Sinabi naman ni City Councilor Elizabeth Bagonoc na pauunlarin pa nila ang pagsisikap na ito sa pamamagita­n ng pagsusulon­g ng mga programa na susuporta sa sektor, lalo na sa kapakanan ng mga senior citizen.

Isa si Bagonoc sa may-akda ng Ordinance No. 33, series of 2016, na nagbibigay ng cash gift na P100,000 sa mga centenaria­n na residente.

Katulad ng nakasaad sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, layunin ng social pension sa mga indigent senior citizens na mapagaan ang pang-araw-araw na gastusin at iba pang medikal na pangangail­angan ng mga senior citizens.

Ang mga kuwalipika­dong senior citizens ay makatatang­gap ng P500 kada buwan, na ibinibigay sa quarterly basis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines