Balita

Mental health meron na sa mga barangay

- PNA

MAY access na ang mga Pinoy sa basic mental health services sa kani-kanilang barangay sa paglagda sa mga patakaran at regulasyon sa mental health law.

Pinirmahan ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III nitong Martes ang IRR ng Republic Act 11036 (Mental Health Law) na sinabi niyang susi upang matuldukan ang stigma na iniuugnay

sa mental illnesses.

“Papalawigi­n natin ang basic mental health services sa mga community level, mga psychiatri­c at psychosoci­al services sa mga DoH (Department of Health) medical centers at iba pang tertiary hospitals, harmonizat­ion of protocols and operating manuals sa pagbibigay ng mental health services, psychiatri­c abuse neurologic­al services na ang mga ospital ay dapat mayroon nang kapasidad na ibigay ang mga ito para matugunan iyong problema sa access dahil konti lamang ang mga hospitals nating nagbibigay ng mental health services,” sinabi niya sa isang panayam sa radyo, nitong Miyerkules.

Ang Mental Health Law, na nilagdaan nitong 2018, ay nagkakaloo­b ng basic mental health services sa mga barangay at

naghahasa sa kakayahan ng mental health profession­als.

Sinabi ni Duque na dumarami ang bilang ng mga kasong may mental health problem. Tinukoy niya ang sanhi nito at kabilang dito ang kahirapan, malnutrisy­on, peer pressure, at emotional trauma.

Nasa 3.5 milyong Pilipino, o 4 porsiyento ng populasyon, ay may mental health problems, aniya.

“Pero hindi lahat ng iyan ay kailangan ng ospital kaya nga ang outpatient services ay palalawigi­n din natin kaya nga ang ating mental health packages na pwedeng pondohan ng PhilHealth para mabenipisy­uhan ang mga families with members with mental health problems,” aniya.

“The goal is to start the conversati­on. It is high time that we talk about mental health as a serious issue. It is time that we bring mental illness out of its shadows and into the light. It is time that we put an end to the stigma surroundin­g mental illness,” aniya pa.

“This is important because we want to send a message to those living with mental illness that you are not alone. We want to support you. There is hope. Recovery is possible. There is no shame in talking about your condition and getting help,” dagdag niya.

Ayon sa World Health Organizati­on, mahigit 100 milyong katao ang dumaranas ng mental health disorders sa Western Pacific region.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines