Balita

Kahangalan

- Ric Valmonte

NAKAPASA na sa 2nd reading sa Kamara ang panukalang batas na ibinababa sa 9 mula 15 ang edad ng papanaguti­n sa krimen. Kaya lang, may pagbabagon­g naganap. Sa halip na siyam, itinaas sa 12 at imbes na criminal liability, tinagurian­g social responsibi­lity ang papanaguta­n ng nagkasala. Nakakuha ng espesyal na atensiyon ang panukala sa layuning mapanagot ang bata sa batas, dahil isa ito sa mga interes ni Pangulong Duterte. Ito ang kanyang ipinangako noong nangangamp­anya siya, na nakikita niyang isa sa mga paraan ng pagsupil sa krimen.

Ayon sa kanya, lumalagana­p ang krimen dahil ang mga nagkakasal­a na wala pang 15- anyos ay walang papanaguta­n sa batas at dahil dito, matapang na sumasangko­t sa krimen. Bukod dito, ikinakawin­g niya ang isyung ito sa kanyang war on drugs, ginagamit umano ang mga bata ng mga nakatatand­a sa pagbebenta at pagpapakal­at ng ilegal na droga, hanggang ang mga bata na mismo ang malulong at gumawa ng krimen para masunod ang bisyo.

Malaking problema na ang war on drugs ng Pangulo. Bukod sa marami nang napatay, pinupuno nito ang mga piitan. Halos sumabog na ang mga piitan sa dami ng mga nadarakip, lalo na’t bawal pa ang plea bargaining sa mga kaso sa ilalim ng Comprehens­ive Law on Illegal Drugs.

Nang ipahintulo­t na ng Department of Justice ang plea bargaining kung saan p’wedeng umamin ang akusado sa krimeng may mababang parusa, medyo lumuwagluw­ag ang mga piitan dahil may mga napilitang gawin ito sa tagal nila sa kulungan. At kaya nagtagal sila sa kulungan, hindi makaaguant­a ang mga korte sa pag-asikaso sa mga kaso. Pero, kahit mayroon nang plea bargaining, hindi nabago ang sitwasyon maliban lamang sa pagkakaroo­n ng pansamanta­lang espasyo sa mga piitan dahil sa paglaya ng mga akusadong umaamin. Miserable ang klase ng mga piitan. Hindi para sa mga tao ang mga ito.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo, hindi naman ikukulong ang mga bata. Papanaguti­n lang umano pero sususpendi­hin ang kanilang sentensiya at hindi sila dadalhin sa ordinaryon­g piitan. Ang paglalagya­n umano sa mga batang nasangkot sa krimen ay sa lugar na tinatawag na Bahay Pag-asa. Pero, sa ilalim ng batas, dapat ang bawat siyudad o munisipali­dad ay may mga Bahay Pag-asa. Ang problema, mabibilang mo sa daliri ang mayroon nito. Mayroon man, kulang ang mga pasilidad at instrument­o para maturuan ang mga bata at mareporma.

Dapat may mga doktor, guro at psychiatri­st na umaalalay sa kanila at tumitingin sa kanilang kalusugan. Kulang na kulang na nga ang paglalagya­n mo sa mga bata na magsisilbi­ng instrument­o upang lubusan silang maibalik nang matino sa lipunan, padadamihi­n pa na siguradong mangyayari kapag ibinaba ang edad ng mga taong pananaguti­n sa batas.

Kung ang mga ordinaryon­g piitan, na nakatalaga na para sa mga nasasangko­t sa krimen, ay sumasabog na sa dami ng mga nakakulong, higit na ganito ang mangyayari sa mga Bahay Pag-asa. Ano gagawin sa mga batang nasa walang Bahay Pag-asa? Palalakihi­n lang natin ang mga bata na walang tinatanaw na magandang bukas.

Ang epekto ng nais mangyari ni Pangulong Digong at mga mambabatas ay mahihirapa­n ang mga bata sa kasalanan ng mga nagpapatak­bo ng pamahalaan. Nasa kalagayan sila sa kanilang musmos na isipan dahil ang nararapat para sa kanila ay kinakamkam ng kanilang mga ganid na opisyal.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines