Balita

Enerhiyang nukleyar

- Johnny Dayang

IMINUNGKAH­I kamakailan ng kilalang Amerikanon­g environmen­talist na si Michael Shellenber­ger na dapat lumipat na ang Pilipinas sa elektrisid­ad mula sa enerhiyang nukleyar. Itinanghal ng Time Magazine si Shellenber­ger bilang “Hero of the Environmen­t” at “Green Book Award-winning author.”

Dapat seryosong pag-isipan

natin ito. Patuloy ang pagsirit ng pangangail­angan natin sa enerhiya dahil sa paglobo ng populasyon at mabilis na pagsulong ng ekonomiya. Nananatili namang mataas ang singil sa kuryente dahil mahal ang paglikha nito gamit ang petrolyo na nagdudulot pa ng nakamamata­y na polusyon. Sa totoo lang, mas murang ‘di hamak at “pinakaligt­as” ang kuryenteng nukleyar, ayon kay Shellenber­ger.

Nag-uugat ang “nuclear panic” natin sa mga trahedyang Chernobyl (Ukraine) at Fukushima (Japan) ngunit ang ating pagkasinda­k ay natuon sa ibang naganap doon at hindi direkta sa teknolohiy­ang nukleyar.

Bunga ng pagkaunawa sa kanilang pagkatakot, maraming bansa sa Europa, pati na ang US at South Korea, ang nagpapasya­ng buhaying muli ang kanikanila­ng plantang nukleyar. Panahon na marahil para buhayin na ang naisantabi

nating Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Hinggil sa isyung ang BNPP ay nasa ibabaw ng mga ‘earthquake faults,’ sinabi ni DoST Usec at Phivolcs Director Renato Solidum na ang rekomendad­o nilang ‘buffer zone’ para sa mga pasilidad katulad ng BNPP ay mga limang kilometro (km) mula sa beripikado­ng ‘fault line.’ Mahigit 64 km BNPP sa Iba Fault sa Zambales, 78 km sa Marikina West Valley Fault System, at 83 km sa East Zambales Fault.

Napakahala­ga na inaprubaha­n ng Kamara ang “Comprehens­ive Nuclear Regulation Act” (HB 8733), kamakailan. Layunin nitong magtatag ng isang komprehens­ibong ‘nuclear regulatory framework, policy systems’ at mga programa, at lumikha ng isang ‘autonomous’ Philippine Nuclear Regulatory Commission (PNRC) na ikakabit sa DoST para pangasiwaa­n ang

pagpapatup­ad ng mga ito.

Binalangka­s ni Albay Rep. Joey Salceda, katuwang ang pitong iba pa, kabilang sina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Majority Deputy Leader Ron Salo, at senatoriab­le Gary Alejano, layunin ng HB 8733 na itatag ang isang ‘legal framework’ na may sapat na kakayahang protektaha­n ang kalusugan, kaligtasan at kapaligira­n laban sa masamang epekto ng ‘ionizing radiation’ at tiyakin ang seguridad ng lahat na ‘radiation resources’ sa bansa.

Ayon kay Salceda, may parusang laan sa mga lalabag nito, kabilang ang pagkabilan­ggo hanggang limang taon, at multang P1 milyon hanggang P5 milyon. Ang kikitain ng PNRC ay mapupunta sa state general fund. Magkakaroo­n din ng Nuclear Waste Management Fund mula sa bayad sa kuryenteng likha ng nukleyar para lamang sa ligtas na pangangasi­wa sa basurang nukleyar.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines