Balita

Arjo, marami nang projects bago na-link kay Maine

- Reggee Bonoan

MAGKAKAHAL­O ang reaksiyon na nababasa namin sa mga komento ng supporters nina Maine Mendoza at Alden Richards matapos aminin ni Arjo Atayde na exclusivel­y dating na sila ng dalaga, sa mediacon ng pelikulang ‘TOL nitong Martes nang gabi.

May mga nagsabing hindi sila naniniwala na magkakagus­to si Maine kay Arjo, dahil nga ang puso nito ay na kay Alden na. Eh, kung totoo ito, bakit nakikipag-date ang dalaga kay Arjo? Pinalalaba­s pa tuloy na playgirl ang Kapuso actress? At higit sa lahat, bakit walang imik ang ka-love team niya kung totoong may usapan silang dalawa?

Sinasabi ring ginagamit daw talaga ni Arjo ang kasikatan ni Maine, dahil simula nang ikabit ang pangalan ng aktor sa dalaga ay dumami na ang projects nito. Helloooo?!

May mga supporters din naman ang AlDub na bukas ang pag-iisip dahil maganda ang komento nila na kung saan masaya si Maine ay susuportah­an nila. May bilin pa sila kay Arjo: “Please take good care of Maine, mahalaga siya sa amin.”

Gusto naming balikan ang sinasabing ginagamit ni Arjo ai Maine. Kelan at anong klaseng panggagami­t ba?

Ang The General’s Daughter ay 2nd quarter of 2018 pa sinimulan ang pre-prod at kasama na sa serye si Arjo. Kailan ba nagkakilal­a ang dalawa? Bandang Setyembre pa, at hindi totoong sa shooting ng Jack Em Popoy: The Pulis Credibles sila unang nagkita. Una silang nagkakilal­a sa launching ng MAC cosmetics, na si Maine ang endorser, at imbitado ng marketing ang aktor kasama ang kapatid nitong si Ria Atayde.

Isa pang patunay na walang kinalaman si Maine sa pagdami ng projects ni Arjo, August or September ay pumirma ng three movie contract ang aktor sa Viva Films. Sumunod ang Regal Entertainm­ent para sa tatlong pelikula rin, habang ang Buy Bust ay Pebrero naman ginawa ni Arjo for Reality Films. Kung hindi kami nagkakamal­i ay sumasabay na rin ang shooting niya noon ng ‘TOL nila nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Jessy Mendiola. Palabas na ang movie sa Enero 30, mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Kaya ang tanong namin, kailan ginamit ni Arjo si Maine? Kung mayaman ang dalaga, may sinasabi rin naman ang pamilya ng binata. At take note, kaya magkasundo ang dalawa at dahil pareho silang Lasallian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines