Balita

Direk Perry, ninakawan ng script

- Ador V. Saluta

MASAMA ang loob ni Direk Perry Escaño dahil umano sa pagnanakaw ng concept ng kanyang pelikulang Ang Sikreto ng Piso noong nakaraang taon, dahilan para maantala ang paggawa nila ng pelikulang pinagtatam­balan ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera. Finally, mapapanood na sa mga sinehan ang pelikula sa Miyerkules, January 30, 2019.

Ayon kay Direk Perry, naurong nang naurong ang filming ng Ang Sikreto ng Piso dahil ninakaw umano sa kanya ng isang taong pinagkakat­iwalaan niya at kasama sa kanyang production staff, ang original script, na siya ang sumulat.

“Masakit man po isipin para sa akin bilang isang filmmaker, ‘yung original script po ay nanakaw. ‘Yung script [ng pelikula] na umiikot ngayon sa mga school, gawa ko po ‘yun.

“Ang masakit pa sa akin, ‘yung script na ginawa ko is taga-industry rin mismo (ang nagnakaw), na pinagkatiw­alaan ko na producer.

“Ayoko na lang i-reveal,” malumanay na sagot ni Direk Perry.

Dahil nawala sa kanya ang original script ng Ang Sikreto ng Piso, kumuha siya ng cowriter at pinagtulun­gan nilang i-revise ang kuwento ng pelikula nina Gelli at Ariel.

Para hindi na maulit ang kanyang malungkot na karanasan, at dahil hirap na rin siyang magtiwala dahil sa nangyari, ipinarehis­tro ni Direk Perry sa National Museum ang Ang Sikreto ng Piso bilang patunay na intellectu­al property niya ang kuwento, at siya ang may hawak ng copyright.

Walang binanggit na mga pangalan si Direk Perry kung sino ang nagnakaw ng kanyang script, pero alam ng mga tagaindust­riya na ang project na tinutukoy niya ay ang pinagbidah­an ng isang komedyante, at ipinalabas sa mga sinehan noong 2017.

Ang nasabing ring indie film, mula sa kanyang orihinal na script, ay naipalabas na raw sa ilang eskuwelaha­n sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines