Balita

Golden, excited nang mag-concert

- Nora V. Calderon

SI Golden Canedo ng Cebu

City ang itinanghal na unang grand champion ng katatapos na

The Clash musical competitio­n ng GMA Network. Only 16 years old, talagang naexcite si Golden nang siya ang tanghaling grand champion.

Since then, hindi na halos nakauwi sa Cebu si Golden, dahil nagsunud-sunod na ang mga TV guestings niya at ng iba pang kasama niyang Clashers.

Isa si Golden sa mainstays ng musical program na Studio 7 every Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo

Ng Lola Ko. Last weekend, nakauwi siya sa Cebu para sa Sinulog Festival 2019.

Pero excited at looking forward siya sa first concert na tatampukan niya. Magiging guest performer siya nina Julie Anne San

Jose at Christian Bautista para sa The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only

concert na magaganap sa Linggo, January 27, sa Iloilo Convention Center, Iloilo City.

“Noon po, judge po siya, si Sir Christian. At si Ms. Julie naman, sinusubayb­ayan ko po siya every time sa TV noon, at kinakanta ko pa po yung mga songs niya,” sabi ni Golden.

“Ngayon, kasama ko na po silang dalawa sa concert. Ito po ang first ever concert ko simula nang manalo ako, at pinaghahan­daan ko po iyon para pasayahin ang mga Kapusong Ilonggo. Kaya labis-labis po ang pasasalama­t ko sa GMA.” Ang said concert ay bahagi na rin ng Dinagyang Festival participat­ion ng GMA Regional TV. Makakasama rin nina Julie, Christian at Golden sa gabing iyon ang mga Kapuso comedians na sina Donita Nose at Super Tekla.

Tickets are available sa SM Tickets (www. smtickets.com).

 ?? Golden ??
Golden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines