Balita

Paraan ng food production, nagdudulot ng sakit

-

DAHIL sa lumalawak na kamulatan ng tao tungkol sa epekto ng diet sa pagiging malusog, marami ngayon ang maingat na sa kanilang mga kinakain. Ang iba ay tuluyan nang tinalikura­n ang mga processed foods at matatamis na inumin, habang red meat naman ang iniwasan ng ilan.

Subalit ang healthy diet ay hindi lang tungkol sa ating kinakain sa araw-araw. Dapat ding alamin at ikonsidera kung paano napo-produce ang ating pagkain.

Batay sa ulat ng Huffington Post, mayroonghi­dden killer sa sistema ng ating pagkain kaya imposible para sa atin ang makatiyak na makabubuti nga sa ating kalusugan ang tinatawag nating healthy diet. Nagbabala ang isang bagong report laban sa pinsalang dulot ng polusyon sa hangin at tubig, at sa antibiotic resistance.

Inilahad nitong Miyerkules sa World Economic Forum sa Davos, Switzerlan­d, umapela ang report na magkaroon ng bagong disenyo o sistema ang pandaigdig­ang industriya ng pagkain.

Ang pagkain ang isa sa mga pangunahin­g pinagmumul­an ng mga problemang pangkalusu­gan sa Amerika; sinisisi sa poor diet ang halos kalahati ng kabuuang bilang ng mga pagkamatay dahil sa sakit sa puso, stroke, at diabetes.

Sa kabila nito, kahit pa ayusin natin ang ating diet, lantad pa rin tayo sa mapaminsal­ang epekto sa kalusugan ng tinukoy sa report ng Ellen MacArthur Foundation na “industrial” na paraan ng paglikha ng pagkain.

Pagsapit ng 2050, ayon sa report, aabot sa limang milyong tao ang mamamatay kada taon.

“The way we produce food today is not only extremely wasteful and damaging to the environmen­t, it is causing serious health problems,” sabi ni Ellen MacArthur, nagtatag ng foundation at dating recordbrea­king sailor.

“People around the world need food that is nutritious, and that is also grown, produced and delivered in a way that benefits their health, the environmen­t and the economy,” ani MacArthur.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines