Balita

Ika-34 na labas

- R.V. VILLANUEVA

GINAPANGAN ng kilabot si Leo dahil sa sinabi ng kanyang asawa. “Gagantihan?” pagtitiyak pa niya. “Oo nga,” tango nito.

“Si Lolo Onyong ba ang me desisyon na dito ililibing ang ahas?”

“Oo,” tango uli nito. “Dahil daw dito mismo nahulog ang ahas, at dito ko rin napatay. Kaya malamang na dito raw nakatira ang engkanto.” Tiningala niya ang puno. “Kung gano’n, kelangan pala nating mag-ingat dito,” paalala niya. “Mahirap namang ganitong me kapitbahay tayong engkanto.”

“Basta ‘wag lang daw natin silang gambalain, hindi naman sila manggugulo.”

Tumango-tango siya. Pero naisip niyang paano kung paglaruan sila, o siya katulad ng mga nangyari sa kanya noon? na.”“Tayo na,” yaya nito. “Gumagabi

Noon lamang napansin ni Leo na nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nagsipagsi­ndihan na ng ilaw ang mga kabahayan. Nagsisiyap­an na ang mga sisiw. Nagsipaghu­nihan na ang mga panggabing kulisap.

Pero napansin ni Leo ang ilan niyang mga kapitbahay na nakatingin sa kanila. At nang balingan niya ng tingin ang mga ito, agad namang bumawi ang mga ito ng tingin, tatalikod at saka maghiwa-hiwalay.

“H’wag mong pansinin ang mga ‘yan,” baling sa kanya ng asawa.

“Bakit ba gano’n na lang sila kung makatingin sa atin?”

“Ewan ko sa mga ‘yan. Mula nang manganak ako ng ahas, parang iba na ang tingin nila sa akin.”

“’Yon nga rin ang napansin ko sa kanila. Hindi naman sila dating gano’n sa atin.”

“Basta, tulad ng sinabi ko, kung anuman ang marinig mo sa mga ‘yan, h’wag kang basta maniniwala.”

Kunot-noong napatingin siya sa asawa.

Hindi pa man sila nakapapaso­k ng bahay, agad silang sinalubong ng kanyang biyenan.

“Kalat na pala sa Facebook,” sabi pa nito.

“Alin ho ‘yon?” tanong niya. “’Yong pangangana­k ng ahas ni Minda.”

“Sinong nagpakalat?” “Inap-load pala ng kumare ko.” Natigilan siya. Napaisip. Kung kalat na sa Facebook ang pangangana­k ng ahas ng kanyang asawa, hindi malayong malalaman din iyon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Dahil may ilan sa kanyang kasama na mahilig mag-

Facebook. Huwag naman sana, lihim niyang panalangin. Huwag naman sanang makaabot sa mga ito. “Marami raw ho ba ang nagreact?” pagkuwa’y naitanong

niya.

“Marami,” sabi ng kanyang biyenan. “Pero karamihan, nagsasabi na kalokohan lang daw ‘yon. Hindi raw totoo, lalo na sa panahon ngayon. Ang iba, inaakusaha­n pa ang anak ko. Kesyo ganito, ganoon. Ewan…” “Anong inaakusa nila?”

“Na gawa-gawa lang daw ‘yan ng anak ko. Para mapagtakpa­n lang daw n’ya ang…ay ewan, mga masasakit na comment pero hindi ko na lang pinapansin.”

Napabaling siya sa asawa.

“’Yon ang sinabi ko sa ‘yo,” sabi ng kanyang asawa. “Hindi ka dapat basta maniniwala sa mga sabi-sabi. Nariyan si Lolo Onyong ang makapagsas­abi ng tunay nangyari.”

Hindi siya nakakibo. Nanatiling nakabitin sa kanyang isipan ang mga katanungan.

Nang gabing iyon, hindi nakatulong ang payapang gabi para dalawin siya ng antok. Hindi rin nakatulong ang tila nanghahara­nang mga huni ng kulisap para palisin ang mga katanungan sa kanyang isipan.

Bumaling siya sa asawa. Patagilid na nakataliko­d ito sa kanya. Bagay na naging palaisipan sa kanya. Dati, natutulog itong nakayakap sa kanya. Maglalambi­ng. Mangunguli­t.

Niyakap niya ito. Alam niyang hindi pa ito tulog. Pero nagulat siya nang tila naiinis na pinalis nito ang kanyang kamay.

“Ano ba!?”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines