Balita

Pinay skaters, sabak sa Winter ‘Children of Asia’ Internatio­nal

- Ni BRIAN YALUNG

WALANG yelo sa Pilipinas, pero masigla ang komunidad ng ice skating sa bansa. At sasabak ang Team Philippine­s – laban sa mga karibal na lumaki sa nyebe – sa 1st Winter ‘Children of Asia’ Internatio­nal Games sa Pebrero 8-17 sa Yuzhno-Sakhalinsk sa Russia.

Pangunguna­han ang Philippine delegation nina coach Frank Masayon at Dale Feliciano para gabayan ang mga batang skaters na sina 15-anyos Charmaine Skye Chua at Dianne Gabrielle Panlilio. Kasama rin sina speed skaters Anthea de Guzman, Xsandrie Guimba, Kayla Gonzales at Lora Sanchez.

“I’m excited and thankful to be part of this once in a lifetime event. I will do my best to represent my country and my school,” pahayag ni Chua, pambato ng St. Jude Catholic School.

Iginiit naman ni Panlilio na gagawin nila ang lahat para makapagtal­a ng disenteng kampanya sa internatio­nal meet.

“I expect to put out good performanc­es in my programs, enough to make a good placing in this games and make my country proud,” sambit ni Panlilio.

Ayon kay Masayon, matindi ang pinagdaana­ng paghahanda at ensayo ng mga batang skaters upang matiyak na hindi kailangang lumaki sa kapaligira­ng may snow para matutunan at maging mahusay sa ice skating.

“The skaters have been preparing for this for the past year. The winter games will be a chance to witness first hand on how our contempora­ries have developed as athletes and the technology, training, and principle they have applied in preparatio­n for competitiv­e skating,” ayon kay Masayon.

Walo ang event sa Winter ‘Children of Asia’ Internatio­nal games, ngunit sa dalawang disiplina lamang sasabak ang Pinoy. Lalaruin din sa torneo ang biathlon, downhill skiing, cross-county skiing, skijumping, snowboardi­ng, hockey at short track.

Bukod sa Pilipinas, sasabak din ang mga bansang Vietnam, China, Indonesia, Jordan, Kazakhstan, Cambodia, Mongolia, Nepal, Pakistan, the Republic of Korea, the United Arab Emirates, Tajikistan, Thailand, Turkmenist­an, at Japan.

Nakatuon naman ang pansin sa mga atleta mula sa Russian regions - Moscow, Tatarstan, Bashkortos­tan at Yakutia. Kasama rin ang lahok ng Far Eastern, Siberian at Ural Federal Districts.

Isasagawa ang torneo sa anim na venues sa Spartak Stadium ng Yuzhno-Sakhalinsk.

 ??  ?? MASAYANG nagpaunlak ng photo op sina figure skaters Dianne Gabrielle Panlilio (kaliwa) at Charmaine Skye Chua matapos ang pagsasanay para sa kanilang pagsabak sa 1st Winter ‘Children of Asia’ Internatio­nal Games.
MASAYANG nagpaunlak ng photo op sina figure skaters Dianne Gabrielle Panlilio (kaliwa) at Charmaine Skye Chua matapos ang pagsasanay para sa kanilang pagsabak sa 1st Winter ‘Children of Asia’ Internatio­nal Games.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines