Balita

Odom, asam buhayin ang career sa Mighty Sports PH

- Ni BRIAN YALUNG

KUNG pagbabatay­an ang katayuan sa NBA, aminado si dating NBA champion Lamar Odom na wala na siyang puwang sa liga. Ngunit, sa ibang antas, may asim pa ang kanyang husay at galing.

Target ng 39-anyos na dating Los Angeles Lakers star na buhayin nang bahagya ang basketball career sa kanyang pagsapi sa Might Sports Philippine­s para sa kampanya sa regional basketball club competitio­n.

“It feels good. I feel like Muhammad Ali a little bit to come in the Philippine­s to fight. I feel good. I feel good. I’m happy that I’m here,” pahayag ni Odom sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

Nalayo man sa kompetitib­ong aksiyon sa mahabang panahon, alam ni Odom na may nalalabi pang lakas at galing sa kanyang katawan para pangunahan ang Philippine ball club sa kampanyang maiuwi ang titulo.

“I mean it’s a big deal for me, turning back to basketball. Anywhere, just to be able to play. Walk, talk, jump after all I’ve been through,” aniya.

Aniya, kondisyon ang kanyang katawan sa laban.

“It’s good, it’s good. Of course, I can get better, just like everything else. I’m on the road up. It’s better than on the road down. I feel good about my condition, it continuous­ly gets better.

Kahit malayo na sa NBA, inamin ni Odom na updated siya sa kaganapan, higit sa dating koponan na Lakers. Naniniwala siya na malaki ang magagawa ni LeBron James para maibalik ang ningning at ‘Showtime’ sa Lakers.

“I was really excited for the Lakers to get LeBron James. It will revive the championsh­ip spirit that we used to have there,” sambit ni Odom.

“Of course, you never know. You never know what’s gonna happen. My grandma says something to me all the time. She says: ‘If you wanna make God laugh, tell him your plans.’ So I don’t know what to expect. I don’t know what’s gonna come out of this. I know it’s gonna be something good,” aniya.

Nakatakdan­g tumulak ang Mighty Sports PH paalis ng bansa para sumabak sa 30th Dubai Internatio­nal Basketball Championsh­ip sa Feb. 1-9.

 ??  ?? MINANI lamang ni Columbian Djip rookie CJ Perez ang depensa ng Phoenix sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Philippine Cup nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Fuel Masters, 108-98.
MINANI lamang ni Columbian Djip rookie CJ Perez ang depensa ng Phoenix sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Philippine Cup nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Fuel Masters, 108-98.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines