Balita

Del Rosario, nanguna sa Santa Maria chess

-

LAHATay nakatuon kay Cleian Keith Del Rosario sa pagarangak­ada ng Santa Maria Town Fiesta Chess Tournament 2019 sa Linggo sa Patio of La Purisima Concepcion Church, Poblacion sa Sta. Maria, Bulacan.

Inaasahan din ang paglahok nina Miguel Jian Francisco, Jelaine at Mariel Adriano sa one-day event na hinati ang torneo sa dalawang dibisyon, non-master category at kiddies division (14-under with 1950 rating and below) ayon kay Santa Maria Chess Club president engineer Norberto de Jesus.

Paliwanag naman ni National Arbiter Richard dela Cruz ito ay sanctioned ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) na pangangasi­waan ng Chess Arbiter Union of the Philippine­s ay bukas sa lahat ng non-master players, anuman ang kanilang kasarian at edad.

Ipapatupad sa torneong ito ang seven round Swiss System na may 20 minutes, 5 seconds delay per player para matapos ang laro.

Nakalaan sa magkakampe­on sa non-master champion ang P5,000 plus trophy habang ang second hanggang fifth placers ay tatangap ng tig P2,500 plus trophy, P1,500 plus trophy, P800 at P600, ayon sa pagkakasun­od. Ang makakapaso­k sa top 10 ay tatangap din ng tig P500.

May category prizes din para sa top High School , Senior 55+ na tig P500 habang P1,000 naman sa top Sta. Maria player at P250 sa youngest participan­t.

Ang top 5 sa Kiddies division (14-under with 1950 rating and below) ay mag-uuwi ng tig P2,500 plus trophy, P1,500 plus trophy, P1,000 plus trophy, P600 plus medal at P400 plus medal, ayon sa pagkakasun­od. Tatangap naman ang sixth hanggang tenth placers ng tig P250 plus medal.

Ang registrati­on fee ay P250 (Non Master), P200 (Female, high school student, senior citizen, PWD) at P150 (Kiddies category). Ang chief arbiter ay si Internatio­nal Arbiter Ilann Perez.

Sa detalye ay mag call o text kina Engr. Norberto De Jesus (0922838672­9) at NA Richard Dela Cruz (0943466455­2

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines