Balita

HINDI KAMI PABAYA!

GAB, may respetadon­g ‘track record’ at tunay ang kalinga sa Pinoy boxers

- NI EDWIN G. ROLLON

KUMPIYANSA ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB) na ang hindi matatawara­ng ‘track record’ ng ahensiya hingil sa pangangasi­wa ng profession­al sports sa bansa, higit sa kalidad ng boxing ang kalasag upang mapanatili ang tiwala ng Malacanang.

“Let’s wait and see. If President Duterte gives his thumbs-up and signs it into law, we’ll follow. The law is the law,” pahayag ni Masanguid sa kanyang pagbisita sa 7th TOPS “Usapang Sports” kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Ngunit, nilinaw ni Masanguid nabago ito malagdaan, tiyak na tatanungin ang kanilang hanay at nagkakaisa ang kanilang kasagutan kasama ang kapwa Commission­er na si Eduard Trinidad at GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra: “Hindi nagkulang ang GAB sa kanilang mandato”.

“GAB track records speaks for itself. Mahuhusay ang mga opisyal na namuno sa GAB at sa aming termino isinulong namin sa ahensiya ang mga programa na higit na nagpaangat sa kalidad ng pro boxing, kabilang diyan ang libreng medical, drug test, CT scan at MRI.

“Last year, GAB was awarded Commission of the Year ng World Boxing Council (WBC). Sasabihin ni Presidente (Digong) nagtatrana­ho naman pala sila dyan,” sambit ni Masanguid.

Nakaamba ang banta na aalisin sa kapangyari­han ng GAB ang pro boxing matapos lagdaan sa plenaryo ang isinusulon­g na batas ni Senator Manny Pacquiao na magtayo ng bagong Boxing Commission na may budget na P100 milyon.

Hindi lingid kay Pacquiao na marami ang hindi pabor sa naturang panukalang batas, higit ang komunidad ng mga promoter at match-maker, gayundin ang sektor ng mixed martial arts na nais ng Boxing Commission na mapasailal­im sa kanilang kapangyari­han.

“Hindi kami pabor dyan. Kontento na kami sa pamamalaka­d ng GAB, dito na lang po kami,” pahayag ni Alvin Aguilar, pangulo at founder ng local MMA at jiu-jitsu.

Nilinaw ni Masanguid na bago lagdaan ang bagong batas, tinitimban­g muna ng Pangulong Duterte anng lahat at sinisiguro­ng para sa kapakanan ng lahat ang batas na maipapatup­ad.

At kung pagbabatay­an ang budget, tiyak na dadaan ito sa butas ng karayom.

“I am sure President Duterte will take a close look and hear all sides first before making a decision. Foremost on his mind will be the welfare of the boxing community, including the pro boxers themselves,” pahayag ni Masanguid, sinamahan ni GAB Boxing Committee Chief Jun Bautista sa lingguhang pulong na suportado ng Philippine Sports Commission at Kamuning Bakery.

Kasama ng GAB officials na dumalo sina NPC president Rolando Gonzalo,boxers Carl Jammes “Wonder Boy” Martin, Al “The Rock” Toyogon, trainor Ricardo Sueno at Diomel Diocos.

“President Duterte fully supports the GAB and its mandate to look after the welfare of all profession­al athletes,” pahayag ni Masanguid.

Aniya, sinuportah­an ng Malacanang ang ginawang hosting ng GAB sa nakalipas na WBC Women’s Convention at Asia Summit sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) nitong Nobyembre.

Ayon kay Bautista, maigting ang pakikipag-ugnayan ng GAB sa lahat ng stakeholde­rs ng boxing, at hinihikaya­t ang mga promoter na magsagawa ng mas maraming laban upang makalikha nang maraming talento na posibleng maging susunod na Manny Pacquiao.

“We have seen a lot of young and talented Filipino boxers during our visits in the countrysid­e. We encourage promoters to take them under the wing and help develop them,” pahayag ni Bautista.

”Sen.Manny (Pacquiao) will soon retire. But I am ure we have a lot of boxers ready to take his place,” aniya.

 ??  ?? NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) Commission­er Mar Masanguid (ikalawa mula sa kanan) na hindi nagkulang ang ahensiya sa gawain at responsibi­lidad sa pro sports, higit sa boxing kung kaya’t nananatili ang tiwala ng internatio­nal boxing community, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) WBC Asia Super featherwei­ght titlist Al ‘The Rock’ Toyogon, GAB boxing committee head Jun Bautista, TOPS prexy Ed Andaya, at WBA Asia bantamweig­ht champion Carl Jammes ‘Wonder Boy’ Martin sa masiglang talakayan kahapon sa Tabloid Organizati­on in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) Commission­er Mar Masanguid (ikalawa mula sa kanan) na hindi nagkulang ang ahensiya sa gawain at responsibi­lidad sa pro sports, higit sa boxing kung kaya’t nananatili ang tiwala ng internatio­nal boxing community, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) WBC Asia Super featherwei­ght titlist Al ‘The Rock’ Toyogon, GAB boxing committee head Jun Bautista, TOPS prexy Ed Andaya, at WBA Asia bantamweig­ht champion Carl Jammes ‘Wonder Boy’ Martin sa masiglang talakayan kahapon sa Tabloid Organizati­on in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines