Balita

Buwayang lalapa sa anak, kinagat ni tatay

- Aaron Recuenco

Paulit-ulit na kinagat ng isang ama ang buwaya upang makawala ang kanyang 12anyos na anak mula bunganga nito sa Balabac, Palawan nitong linggo.

Ayon kay Supt. Socrates Faltado, tagapagsal­ita ng MIMAROIPA (Mindoro provinces, Marinduque, Romblon and Palawan) regional police, napilitan si Tejada Abdulhasan na gamitin ang kanyang ngipin dahil hinihila na ng buwaya ang kanyang anak sa ilog sa Barangay Pasig nitong Biyernes, dakong 6:00 ng gabi.

"He repeatedly bit the soft parts of the crocodile in a bid to rescue his son," ani Faltado.

"This forced the crocodile to release his son and swim away," dagdag niya.

Ayon kay Faltado, naliligo ang biktima at ang nakababata niyang kapatid sa ilog sa Sitio Mararango nang sumulpot ang buwaya at kinagat ang kanyang kanang braso.

Sinubukan ng bata na makawala at pinilit na hindi mahila ng buwaya. Nakita ng kanyang kapatid ang nangyari kaya tumakbo sa kanilang bahay at sinabi ang nangyari sa kanilang magulang.

Tumakbo ang ama sa ilog at sinubukang suntukin ang buwaya, ngunit hindi umepekto.

Gayunman, hindi tumigil ang ama na maligtas ang kanyang anak.

Sinabi ni Tejada sa awtoridad na paulit-ulit niyang kinagat ang malalambot na bahagi ng buwaya sa isa nitong paa, at makalipas ang ilang minuto, sumuko ang buwaya.

"Fortunatel­y and due to the bravery of his father, the victim did not drown and only suffered wounds from crocodile bite," sabi ni Faltado.

Isinugod ang bata sa pinakamala­pit na ospital upang lapatan ng lunas.

 ??  ?? NILIGTAS NG AMA Makikita sa larawan ang bata, na sinagip ng kanyang ama mula sa buwaya sa Balabac, Palawan nitong linggo.
NILIGTAS NG AMA Makikita sa larawan ang bata, na sinagip ng kanyang ama mula sa buwaya sa Balabac, Palawan nitong linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines