Balita

5,000 nagsimula ng Manila Bay rehab

- Nina ELLALYN DE VERA-RUIZ at MARY ANN SANTIAGO

Nagsimula na kahapon ang plano ng gobyerno na linisin ang Manila Bay, at iba’t ibang aktibidad ang inilunsad sa mga lugar na nakapaligi­d sa lawa at sa mga daluyan nito.

Para sa rehabilita­syon, na tinawag ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na “Battle for Manila Bay”, nagsamasam­a ang mahigit sa 5,000 katao, karamihan ay mga kawani ng DENR at 12 pang ahensiya ng pamahalaan na inatasan ng Korte Suprema noong 2008 na isailalim sa malawakang rehabilita­syon ang Manila Bay.

Sinimulan ang mga aktibidad sa isang solidarity walk mula sa Quirino Grandstand patungo sa baywalk area, saka pinangunah­an ni Cimatu ang pledge of commitment, at idineklara ang opisyal na pagsisimul­a ng Manila Bay rehabilita­tion.

Nagpalabas si Cimatu ng mga notice of violation at mga cease and desist order laban sa tatlong establisim­yento na nasa Roxas Boulevard, CCP Complex, at Mall of Asia Complex, dahil nakumpirma­ng ang mga ito “discharge untreated water to esteros, rivers and other tributarie­s that flow into Manila Bay.”

Sa Metro Manila, nagsagawa ang volunteers ng tree-planting sa Marine Tree Park sa Navotas City, habang pinangunah­an naman ng “bakawan warriors” ang paglilinis sa Las Piñas Paranaque Critical Habitat Ecotourism Area (LPPCHEA).

Sa Central Luzon, inilunsad ang rehabilita­syon sa Obando, Mariveles, at Guagua sa Bulacan, Bataan, at Pampanga provinces, ayon sa pagkakasun­od.

Sa Region 4A (Calabarzon), iniladlad ang isang silt curtain sa paligid ng tulay sa Manila-Cavite Expressway o Cavitex, habang may clean-up activity din sa Talaba Dos sa Bacoor, Cavite.

Dagdag pa ni Cimatu, magsasagaw­a rin ng relokasyon sa mga illegal settlers at may monitoring kung nakatutupa­d ang mga establisim­yento sa paligid ng Manila Bay sa Philippine Clean Water Act of 2004 at sa iba pang environmen­tal laws.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines