Balita

CHURCH BOMBING: NASA20DEDO

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Dalawampun­g indibiduwa­l ang namatay at 81 ang sugatan matapos ang magkasunod na pagsabog sa gitna ng misa sa Jolo Cathedral sa Jolo, Sulu kahapon ng umaga, ilang araw matapos ang ratipikasy­on ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na inayawan ng probinsiya.

Sa inisyal na police report mula sa Regional Field Unit of the Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG-RFU 9), dalawang improvised explosive devices (IEDs) ang sumabog sa Jolo Cathedral, bandang 8:28 ng umaga.

Sa ulat, sa 20 nasawi, lima sa mga ito ay miyembro ng Philippine Army habang 15 ay sibilyan. Sa 81 sugatan, 65 ang sibilyan at 14 ang sundalo at dalawang police personnel.

Kinondena ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang insidente at ipinag-utos ang masusing imbestigas­yon.

"The Chief PNP has already ordered for the conduct of a thorough investigat­ion on this incident to ensure the immediate arrest of the suspects," pahayag ni Senior Supt. Bernard Banac, tagapagsal­ita ng PNP.

"We extend our sympathy to the families of the victims and we will ensure that all possible assistance to the families will be given," aniya.

"We assure the bereaved family and their relatives that we will ensure that justice wil be served in the soonest time possible," dagdag niya.

Umapela rin si Banac sa mga tao sa Sulu at iba kalapit na lugar na manatiling kalmado at alerto.

Ayon kay Albayalde, sa loob at labas ng Jolo Cathedral naganap ang pagsabog.

"Sa may Jolo Cathedral nangyari itong dalawang explosions, isa sa loob at isa labas. May pagitan na more or less na isang minuto itong pagsabog na ito," ani Albayalde.

Patuloy na inaalam ang motibo sa insidente.

Gayunman, naganap ang insidente matapos na ratipikaha­n ang BOL nitong Biyernes ng gabi, na inayawan ng Sulu sa pagtatatag ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), hindi inaprubaha­n ng Sulu ang BOL sa botong 163,526 na "No" kumpara sa 137,630 "Yes".

"Wala pa po talaga silang napi-pinpoint na anggulo. Tinitingna­n po yung iba't ibang threat groups doon sa lugar na 'yon at hindi pa rin naman nila masabi kung ito ay may kinalaman sa katatapos na plebisito o wala," pahayag ni Albayalde.

 ??  ?? BINOMBA HABANG MAY MISA Wasak ang mga gamit ng Jolo Cathedral sa Sulu matapos ang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan, na ikinamatay ng mahigit 20 katao, at ikinasugat ng halos 80 iba pa, sa kasagsagan ng misa kahapon ng umaga.
BINOMBA HABANG MAY MISA Wasak ang mga gamit ng Jolo Cathedral sa Sulu matapos ang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan, na ikinamatay ng mahigit 20 katao, at ikinasugat ng halos 80 iba pa, sa kasagsagan ng misa kahapon ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines