Balita

‘No mercy’ sa mga nambomba sa Jolo Cathedral

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Siniguro ng Malacañang na hindi nito palalampas­in ang mga nasa likod ng magkasunod na pambobomba sa Jolo Cathedral sa Sulu, na ikinasawi ng 27 katao, at ikinasugat ng 77 iba pa.

Ipinahayag ito kahapon ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo, kasunod ng mga ulat na dalawang improvised explosive devices (IED) ang sumabog sa Jolo Cathedral, sa kasagsagan ng misa, pasado 8:00 ng umaga kahapon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Panelo na kinokonden­a ng Malacañang ang nasabing pag-atake, na naganap ilang araw matapos na tanggihan ng lalawigan ang ratipikasy­on ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa plebisito nitong Lunes.

“We condemn in the strongest possible term the bomb explosions that occurred inside and outside the Mt. Carmel Cathedral in Jolo this Sunday morning which left many soldiers and civilians dead and scores injured,” sabi ni Panelo.

Aniya, hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi nakukulong ang mga may kagagawan ng insidente.

“By their act of terrorism and murder of soldiers and civilians, the enemies of the state have boldly challenged the capability of the government to secure the safety of the citizenry in that region. The Armed Forces of the Philippine­s will rise to the challenge and crush these godless criminals,” pahayag ni Panelo.

“We will pursue to the ends of the earth the ruthless perpetrato­rs behind this dastardly crime until every killer is brought to justice and put behind bars. The law will give them no mercy,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines