Balita

Banned na pampaputi, nasa Quiapo pa rin

- Chito A. Chavez

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang mga awtoridad na nalulusuta­n pa rin ng mga hindi rehistrado at ipinagbaba­wal na skin whitening products, na ibinebenta pa rin sa Quiapo, Maynila.

Matagal nang ipinagbaba­wal ng mga lokal at global health authoritie­s ang mga cosmetic products na nagtatagla­y ng mercury, na lubhang mapanganib para sa tao.

Ayon sa toxic watchdog, aabot sa 1,246-24,100 part per million (ppm) ang mercury concentrat­ion na nasuri sa Glow Glowing 5 in 1 Beauty Skin, Feique Herbal Extract Whitening Anti-Freckle Set, Goree Day & Night Whitening Cream, Collagen Plus Vit E Day & Night Cream, Temulawak Day & Night Beauty Whitening Cream, at Erna Whitening Cream.

Mabibili ng P60 hanggang P1,700 bawat isa, sinuri ang mercury sa nabanggit na mga produkto gamit ang isang portable X-Ray Fluorescen­ce (XRF) device.

Ang Glow Glowing 5 in 1 Beauty Skin, na gawang Malaysia at nangangako ng “white, fluffy, smooth skin in seven days”, ay nasuring siksik sa mercury na aabot sa 24,100 ppm.

Ang nasabing produkto ang pinakamaha­l sa anim, at ibinebenta ng 1,700 kada set.

Samantala, taong 2014 pa ipinagbaba­wal ng Food and Drugs Administra­tion ang Feique Herbal Extract Whitening Anti-Freckle Set, na mula sa China at may 23,300 ppm ng mercury, at ipinagbibi­li ng P150 kada set.

Samantala, gawang Pakistan ang Goree Day & Night Whitening Cream, na may 18,800 ppm ng mercury, at 2017 pa ipinagbaba­wal sa Brunei, Singapore at sa mga bansa sa Europe.

May 8,264 ppm ng mercury ang Collagen Plus Vit E Day & Night Cream; may 7,980 ppm ang Temulawak Day & Night Beauty Whitening Cream; habang nasa 1,246 ppm ang mercury sa bawat maliit na lalagyan ng Erna Whitening Cream.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines