Balita

‘Pinas pang-50 sa world’s best countries

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Ikinalugod ng Malacañang ang bagong US News and World Report na inirarangg­o ang Pilipinas bilang 50th best country in the world.

Naglabas ng pahayag si Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos lumutang sa 2019 US News and World Report na nasa pang-50 ang Pilipinas sa survey ng mahigit 21,000 global citizens.

“The Duterte Administra­tion continuous­ly breaks ground to nurture the country’s business climate and drive investor confidence to a higher level by cleansing the government of corrupt officials, streamlini­ng the delivery of frontline services, among others,” ani Panelo.

“Tourism, which is one of our major economic drivers, is likewise a priority with focus now given on environmen­tal sustainabi­lity,” dugtong niya.

Kumpiyansa rin siya na aakyat pa ang puwesto ng Pilipinas sa rankings.

Ang mga sukatan ng nasabing survey ay kinabibila­ngan ng adventure, citizenshi­p, cultural influence, entreprene­urship, heritage, movers, open for business, power at quality of life. Sakop ng ulat ang perception­s ng 80 bansa.

Nananatili sa tuktok ang Switzerlan­d sa ikatlong magkakasun­od na survey. Sa ulat CNBC, sinabi ng respondent­s na itinuturin­g nila ang Switzerlan­d na top country sa larangan ng economic stability, access to capital, strong legal framework at prestige

Pumangalaw­a ang Japan sa listahan, nasa pangatlo hanggang pang-lima ang Canada, Germany, at United Kingdom, ayon sa pagkakasun­od. Nasa ikaanim na puwesto naman ang Sweden, bilang best country for green living, headquarte­ring a corporatio­n, at raising children.

Ang top 10 list ay kinukumple­to ng Australia, United States, Norway, at France sa ika-7 hanggang ika-10 puwesto, ayon sa pagkakasun­od.

Nasa hulihan ng listahan ng 80 bansa ang Iraq na hindi nakapasok noong nakaraang taon.

Samantala, ang Singapore ang nakakuha ng pinakamata­as na ranking sa lahat ng bansa sa Southeast Asia sa ika-15 puwesto.

Ang iba pang bansa sa Asian sa listhan ay ang China, 16; South Korea, 22; Thailand, 27; Malaysia, ika-38; Vietnam, ika- 39; Indonesia. 43; at Myanmar, 61.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines