Balita

12-anyos na MASR, ipapasa ng Kamara

- Charissa M. Luci-Atienza at Hannah L. Torregoza

Nakatakdan­g ipasa ng House of Representa­tives ngayong araw (Enero 28) sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayon­g ibaba ang minimum age of social responsibi­lity mula 15 sa 12 anyos.

Sinabi ni House Majority Leader and Capiz Rep. Fredenil “Fred” Castro, chairman ng House Committee on Rules, na nakatakda nilang aprubahan ang panuka ngayong araw.

“We will try to pass the bill on minimum age of social responsibi­lity,” ani Castro nang tanungin kung ipapasa ng Lower Chamber ang hakbang sa pinal na pagbasa ngayong Lunes.

Ang House Bill (HB) No. 8858, na naglalayon­g amyedahan ang “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” o Republic Act (RA) No. 9344, ay inaprubaha­n sa ikalawang pagbasa noong Miyerkules.

Nagpasya ang plenary na pagtibayin ang bersyon na nagtatakda­ng 12 anyos ang minimum age of social liability ng mga bata sa halip na siyam.

“The twelve years old was the consensus,” ani Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, chairman ng House Committee on Justice.

Noong Enero 21, 2019, ipinasa ng panel ni Leachon ang substitute na nagbababa sa minimum age of criminal responsibi­lity sa siyam na taon.

Binanggit din ni Leachon na nagpasya ang plenary na palitan ang salitang “criminal” ng “social” mula sa orihinal na minimum age of “criminal” responsibi­lity (MACR) sa minimum age of “social” responsibi­lity (MASR), upang iayon sa bersiyon ng Senado, na pinagdedeb­atehan pa.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga bata na sangkot sa murder, parricide, infanticid­e, serious illegal detention, carnapping, at illegal drugs violation ay isasailali­m sa mandatory confinemen­t para sa rehabilita­syon sa Bahay Pag-asa na pamamahala­an ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) mula sa local government units (LGUs).

Nakasaad din sa batas na ang mga magulang ng mga batang nagkasala sa batas ay idedetine mula 30 araw hanggang anim na buwan kung hindi sila sasailalim sa “interventi­on” program na pamamahala­an ng LGUs tulad ng parenting seminars at counsellin­g.

Ang maximum penalty para sa mga gumagamit sa mga bata para gumawa ng krimen ay: reclusion temporal kung ang krimen ay may parusang wala pang anim na taon, at reclusion perpetua kung mahigit anim na taon.

Sinabi ni Leachon na ang convicted children ay idedetine sa agricultur­al camp sa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Correction­s (BuCor) ay Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA).

Kung ang bata ay umabot na sa 18 anyos at hindi pa rin nagrerepor­ma, magbaba ng hatol ang hukom pagsapit niya ng 25 anyos.

Samantala, hinimok kahapon ni Senate President Vicente Sotto III ang publiko na iboto ang senatorial candidates sa May 2019 midterm elections na sumusuport­a sa panukalang ibaba ang MACR mula 15 sa 12 anyos.

“Iboto n’yo ang pabor ‘wag niyo iboboto ang kontra,” ani Sotto sa panayam ng radyo DZBB.

Idiniin ni Sotto na ang 12 anyos ay ang “internatio­nal standard” of criminal responsibi­lity.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines