Balita

Fil-Am nalaglag sa building

- Bella Gamotea

Iniimbesti­gahan ng Makati City Police kung nahulog o nagpakamat­ay ang isang Filipino-American, na natagpuang lasug-lasog sa tinutuluya­ng gusali sa lungsod, nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Max Bloom y Salientes, nasa hustong gulang, nakatira sa Amorsolo Building, West Tower, Amorsolo Drive, Rockwell Center, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ni Calluza Vedal y Sabado, 54, hardinero, ang bangkay ng biktima sa ibaba ng gusali, bandang 7:30 ng umaga.

Agad na ipinabatid ni Vedal ang insidente sa security officer ng gusali, na si Federico Marquez, at ini-report sa awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines