Balita

Hustisya sa Jolo bombing, ipinanawag­an

- Leslie Ann G. Aquino at Ellson A. Quismorio

Panalangin at hustisya ang panawagan ng kura paroko ng Jolo Cathedral matapos ang dalawang magkasunod na pagsabog sa lugar, kahapon.

Umapela si Father Jefferson C. Nadua, ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral, ng dasal partikular para sa mga biktima ng pagsabog.

"We pray for safety of those who are wounded," pahayag niya sa Radyo Veritas.

"We pray and hope that there are no casualties among our parishione­rs," dagdag pa ni Nadua.

Umaasa rin ang kura paroko ng agarang hustisya para sa mga biktima ng pagsabog.

Samantala, mariing kinondena ni Anak-Mindanao (AMIN) Party-List Rep. Amihilda Sangcopan ang insidente, na tinawag niyang "cowardly and selfish act."

"Lubhang nakakalung­kot at nakakabaha­la ang ganitong pangyayari," ani Sangcopan.

Nanawagan din ang AMIN sa PNP na magsagawa ng malaya, bukas at masusing imbestigas­yon hinggil sa pagsabog at ang kinalaman dito ng ilang armadong grupo sa lugar.

"Ignorance of the law excuses no one. The law should be applied equally to all during the investigat­ion. Our people deserve to be fully informed, not misinforme­d just to serve the whims of some," ani Sangcopan.

"We send our fervent prayers for the families of the victims. May they find the strength they need during this unfortunat­e time. We urge the authoritie­s to give these people and their families the justice they truly deserve," aniya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines