Balita

2 nasawi, 1 nawawala sa pag-ulan sa ComVal

- Ellalyn De Vera-Ruiz at Armando B. Fenequito, Jr.

Naitala ng Compostela Valley Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO) ang dalawang patay at isang nawawala sa patuloy na buhos ng ulan.

Kinilala ni PDRRMO head Joseph Randy Loy ang nasawi na sina Rommel Gogo, 28; at Dennis Pesadilla habang nawawala si Krisel Hermosora, 12.

Sa ulat, sinabi ni Loy na si Gogo ay nasawi dahil sa landslide brought dulot ng matinding buhos ng ulan sa Barangay Tapia sa Montevista nitong Enero 26, bandang 3:17 ng hapon.

Pagsapit ng 4:29 ng hapon, iniulat din ang pagkamatay ni Pesadilla dahil sa landslide sa Purok 24, Barangay Ngan sa Compostela.

Samantala, sa ganap na 8:00 ng gabi, iniulat ng Nabunturan DRRMO ang pagkawala ni Hermosora sa Nabunturan.

Samantala, nasa kabuuang 1,095 pamilya ang pinalikas mula sa kani-kanilang tahanan.

Kaugnay nito, nagbabala ang weather forecaster­s ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao dahil sa ilang malakas na pag-ulan dulot ng tail-end of cold front.

Ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), ang tail-end of cold front ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan at kidlat sa buong Mindanao.

Sa inisyung flood advisory ng PAGASA, kahapon, apektado ng pagbaha ang ilang probinsiya sa Mindanao. Kabilang sa mga ito ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley, Davao Occidental, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, at Lanao del Norte.

Magdudulot naman ang amihan ng maulap na kalangitan na may manaka-nakang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administra­tive Region, Bicol, Aurora, Quezon, at sa buong Visayas.

Magiging maulap naman at may kaunting pag-ulan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines