Balita

Bagong ‘Dragon Ball’ movie, ipalalabas sa Jan. 30

- NI MARJALEEN RAMOS

MULI nang mapapanood sa mga sinehan ang legendary comic na Dragon Ball sa Dragon Ball Super: Broly,

ang ika-20 installmen­t ng anime action franchise na nagsimula pa noong 1984.

Sinundan ng Dragon Ball Super: Broly

ang mga kaganapan ng hit anime series na Dragon Ball Super kung saan nakasagupa nina Saiyan Goku at Vegeta ang bagong Saiyan na si Broly, na nagresulta sa isang epic fight.

Tatalakayi­n sa pelikula ang nakaraan ni Goku at ang pinagmulan ng Dragon Ball, at ang pagpapatul­oy sa paghahanap ng “power” ng Dragon Ball Super.

Inihayag ni Dragon Ball creator Akira Toriyama na ito ang unang pelikula sa bagong Super series makalipas ang mahigit 18 taon.

Sinabi ni Akira na dahil sa pagkikita nina Goku, Vegeta, at Broly bilang mga Saiyan, ang history sa pagitan ng Frieza Force at ng lahi ng mga Saiyan ay maisasalay­say sa unang pagkakatao­n.

“If Goku has undergone an upgrade, then the visuals must be upgraded as well,” sabi ng Director na si Tatsuya Nagamine. “If Goku will always love to fight and become stronger, we need to think outside the box and create a contempora­ry, high quality Dragon Ball worthy of him. In other words, the stronger Goku gets, the harder we must work to express that evolution.”

“The evolution displayed in Dragon Ball Super: Broly is not just a memorial to over 30 years of legendary titles, but also a challenge to depart from the films that came before it,” dagdag pa nito.

Noong 2013, ang Dragon Ball Z: The Battle of Gods ang unang pelikulang inilabas sa loob ng 17 taon, sinundan ito ng Dragon Ball Z Resurrecti­on ‘F’. Ang parehas na pelikula ay box office hits.

Sa loob ng mahigit na 10 years, ang Dragon Ball ay naging franchise sa television anime, video games, at collectibl­e cards na hindi lamang popular sa Japan, ngunti sa buong mundo.

Ipalalabas ang Dragon Ball Super: Broly sa January 30, exclusivel­y in SM Cinemas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines