Balita

ASEAN Paera Games sa 2020

- Annie Abad

PORMAL nang sinimulan ang one year count down para sa hosting ng bansa ng ika-10 ASEAN Para Games na magaganap sa Enero 2020.

Pinasinaya­an mismo ng Pangulo ng ASEAN Para Sports Federation na si Major General, Osoth Bhavilai ng Thailand at ni Philippine Paralympic president Michael Barredo ang nasabing countdown, kasama ng ilang opisyales ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ayon kay Barredo, mahalaga ang nasabing pagtatangh­al na ito ng ASEAN Para Games na may temang We win as One, upang maipakita sa mga Paraathlet­es na sila ay bahagi sa pinagmamal­aking galing ng bansa.

“Importante sa ating bansa or in nation building is inclusiven­ess. Kumbaga, even people with disabiliti­es can participat­e, can compete in the internatio­nal level of sports,” pahayag ni Barredo.

Bukod sa kanila, dumating din ang mga pambatong Paralympic­s athletes ng bansa na sina gold medalists Adeline Dumapong-Ancheta at si Ernie Gawilan upang makibahagi sa pagsisimul­a ng nasabing countdown.

Si Dumapong Ancheta ang kauna unahang Filipina na nakapag uwi ng medalya buhat sa Paralympic Powerlifti­ng habang si Gawilan naman ay ang naging pambato ng bansa 2016 Summer Paralympic­s na ginanap sa Brazil at kauna unahang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya sa Asian Paragames na ginanap noong nakaraang taon sa Indonesia.

Ikinasiya ng dalawang atleta ang nalalapit na hosting ng bansa bunsod na rin ng buong suporta na kanilang natatangga­p buhat sa mga opisyales.

“Napakagand­ang panahon talaga ito. Year round may suporta sila. And full support din para sa equipments,” pahayag g 45-anyos na si Ancheta.

“Yung pakiramada­m magaan ba tapos masigla dahil ‘yun nga dito gaganapin sa atin. Dapat siguro dagdagan pa natin yung pasikat natin na kumpiyansa na mananalo pa rin tayo,” pahayaga naman ng 27anyos Parswimmer na si Gawilan.

Aabot sa 14 na sports ang nakatakdan­g laruin sa nasabing event sa 2020 kung saan tampok ang paboritong athletics at swimming events na lalahokan naman ng mga kapit bahay na nasyon sa Southeast Asia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines