Balita

World Slasher Cup, papagitna ngayon sa Big Dome

-

SENTRO ng atensyon simula ngayon ang 17,000 - seater Smart Araneta Coliseum na muling host sa pamosong 2019 World Slasher Cup 9 -Cock Invitation­al Derby na syasyapol ngayon.

Si Dink Fair ng Kentucky, USA, kasingsika­t nina Johhny Jumper, Ray Alexander, Duke Hulsey at Ted Maclean, ang aakyat sa ruweda ng Big Dome ngayon kasama si Tagum City businessma­n Larry Rubinos.

Palaban ni Rubinos ang “5M Tagum 6 -Cock/Bullstag Derby” umpisa Feb. 12.

Dadalo rin si Fair, kilala sa kanyang Millionair­e 5k lines (sweater, moonwalker, golden boy at yellow legged hatch) sa LYR Excellence Gamefowl Summit sa Pebrero.

Suportado ng PitGames Media ni CEO Manny Berbano, ang WSC Cup ay bibira hanggang Feb. 6 hatid ng Pintakasi of Champions.

Ang ibang foreign cockers ay sina Lonnie Harper ng Mule Train fame, Richard Martinez ng Texas kagrupo sina Domi Corpuz (Hi Ace Ranch USA) at Lito Guerra ng Chocolate Gamefarm, Bruce Brown, Mike Formosa, Erik Rosales at Robert Dominguez (California), Nathan Jumper (Mississipp­i),Butch Cambra at Cris Castillo, (Hawaii), Tim Fitzgerald (Utah), Marty Bently at Brett Mccormick (Ohio); Bobby Fairchild (Kentucky), Glenn Camacho (Guam), Ernest Atkins at Brent Doulglas (Oklahoma), Joey Melendez at Rene Penalosa (Austaralia), Soan Sogianto (Indonesia) Mark Salazar (Malaysia) at iba pa.

Tawagan lamang ang WSC derby office: 588-4000 loc 8227 o 911-2928 at bisitahin ang http:// www.worldslash­ercup.ph.

Kasama sa sponsors: Thunderbir­d, Emperador at Powertrac.ang WSC Cup 2 ay sa May 27 – June 2, 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines