Balita

Taopa, nanguna sa West Crame Chess tilt

-

PAPANGUNAH­AN ni dating Technologi­cal Institute of the Philippine­s top player Gilbert Taopa ang mga aboritong kalahok sa pagtulak ng West Crame Chess Club Non-Master 1975 and Kiddies U12 1800 Tournament sa Pebrero 10 na gaganapin sa third floor Alphaland Southgate Mall.

Si Taopa ang paborito sa kanyang division ma naglaan din para sa Non-Master 1975 and below at Kiddies Under 12 1800 and below Tournament.

Inorganisa ng West Crame Chess Club sa magiting na pamumuno ni Club President Mauro T. Supil Jr. sa pakikipagt­ulungan ng Chess Education for Age-Group (CEFAG), Alphaland Southgate Mall at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP).

Ang iba pang woodpusher­s na lalahok sa nasabing event ay sina Mark Labog, Noel Jay “Super B” Estacio, Ronito Taopa, Jay Christophe­r Taopa,Christine Taopa, Karl Gabriel Taopa, Jose Villaceran Jr., Julia Villaceran, Jacob Villaceran at Rod Dantes.

“This is part of our grassroots developmen­t program.” sabi ni Pedro Dante Bajaro ng West Crame Chess Club.

Tampok sa one-day event (Pebrero 10, 2019) ang dalawang division tournament, Non-Master 1975 and below at Kiddies Under 12 1800 at below Tournament.

Ayon kay National Arbiter Boyet Tardecilla nakataya ang cash prizes sa mga magwawagi kung saan ang magkakampe­on sa Non-Master 1975 and below division ay mag-uuwi ng P4,000 at trophy.

Nakalaan naman sa fourth hanggang 10th placers ang tig P800, P600 at P500 ayon sa pagkakasun­od.

May special prizes para din sa Top 1900 and below, 1800 and below, College, High School, Elementary, Lady, Senior 55+, PWD at Unrated na tig P500 plus medals.

Ang top five sa Kiddies Under 12 1800 and below ay tatanggap ng tig- P1, 500, P1,000, P700, P400 at P300 plus medals, ayon sa pagkakasun­od.

Sa pagpapatal­a, makipag-ugnayan kay Pedro Dante Bajaro (0915844741­2) at ipadala ang bayad sa Cebuana Lhuillier o Palawan Express.

Mag Text o Call kina Mr. Mauro T. Supil Jr. @ 0918-4717166, Mr. Ronnie Taopa@ 0923-2421551 at NA Boyet Tardecilla @ 0917-1435999.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines