Balita

Libreng serbisyong pangkalusu­gan para sa mga tribung Dumagat

-

MAHIGIT 1,000 mahihirap na pasyente, na karamihan ay mula sa tribung Dumagat na nakatira sa paanan ng Sierra Madre, ang nakatangga­p ng libreng medikal, dental at surgical na serbisyo sa Tanay, Rizal.

Nagtulung-tulong ang Philippine Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division (2ID medical team mula sa Philippine Medical Associatio­n ng Southern California, United States at ang Kapatiran sa Tanay Highland (KsTH) para sa pagdaraos ng tatlong araw na medical mission sa Army Station Hospital sa loob ng Camp Capinpin at ang Sierra Madre Mountain Resort-Hotel.

Lubos naman ang pasasalama­t nina 2ID Commander, Major Gen. Rhoderick Parayno at KsTH president, retired Brig. Gen. Roberto Santiago, sa mga sponsors na tumulong upang maisakatup­aran ang medical mission, na may temang, “Sama-sama para sa Kalusugan” (Solidarity towards health), para sa mga residente ng mga liblib na barangay na hindi madalas naaabutan ng medical at pangkalusu­gang serbisyo.

“We’ve been doing this as part of our division program, but doing this with our American friends with Filipino blood and other volunteers is really something different. I would like to thank everybody for this very successful three days of activity,” pahayag ni Parayno sa isang panayam, kamakailan.

Ibinahagi naman ni Capt. Patrick Jay Retumban, pinuno ng 2ID public affairs office, sa PNA ang tungkol sa umaapaw na suporta ng mahigit 100 miyembro ng medical, dental at health profession­als at volunteers na naglaan ng oras para sa tatlong araw na medical mission.

Aniya, kabilang sa mga naging health partners ng proyekto ang Philippine Band of Mercy (PBM), AFP Medical Center, Manila Central University, 2nd Army Station Hospital at Dental Dispensary at iba pang samahan, katulad ng St. Jude Parish volunteers, Jollibee Tanay Hi-way, Ten Cents to Heaven, at mga sibikong samahan at indibiduwa­l.

Dagdag pa ni Retumban, nasa 16 na katao ang natulungan ng surgical services para sa harelip at cleft palate patients, habang nasa 51 pasyente ang sumalang sa cataract removal sa Army Station Hospital.

Nasa 618 pasyente naman ang nakinabang mula sa libreng medikal at dental na konsultasy­on na idinaos sa Sierra Madre Resort Hotel.

Kabilang sa mga ipinagkalo­ob na serbisyo ang tooth extraction, filling at cleaning para sa 396 na pasyente, habang nakatangga­p din ng libren gamot ang mga residente ng Barangay Sampaloc.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines