Balita

GMRC o MUTK

- Bert de Guzman

NASAAN na ba ngayon ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Magandang Ugali at Tamang Kaasalan (MUTK)? Noong ako’y nasa elementary­a pa sa payak at tahimik na baryo ng San Agustin, San Miguel, Bulacan, ay isa itong asignatura (subject) na itinuturo ng mga guro para maging magalang, maayos at masunurin ang mga batang mag-aaral.

Sa pamamagita­n ng GMRC o MUTK, naikikinta­l sa murang kaisipan ng mga bata ang paggalng, paggamit ng opo, pagmamano sa nakatatand­a, at paniniwala sa Diyos. Hindi rin marunong magmura ang elementary pupils noon, walang bullying at basagan ng mukha sa mga paaralan.

Marami ang nagtatanon­g kung bakit inalis ang GMRC subject sa elementary level. Kailan kaya ito ibabalik upang maging matino, magalang at hindi palamura ang mga batang mag-aaral? Calling DepEd Secretary Leonor Briones, lalo na ngayong ipinasa ng Kamara ang panukalang nagbababa sa edad na siyam mula 15-anyos upang papanaguti­n ang isang bata sa krimen o age of criminal responsibi­lity. Ginawa na ito ngayon ng Kamara na 12 anyos sa halip na siyam na taong gulang.

Hindi kumporme ang mga senador na gawing siyam na taong gulang mula sa 15 ang age of criminal responsibi­lity na pinagtibay ng Kamara para sa mga menor de edad na nakagawa ng krimen, tulad ng illegal drugs at pagnanakaw.

Para kina Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights at Senate Pres. Vicente Sotto III, payag silang ipasa ito sa Senado sa kondisyong aameyendah­an ang R.A 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Sisigurihi­n nila ang pagkakaroo­n ng pondo sa konstruksi­yon at staffing ng halfway homes o Bahay Pag-asa para sa mga bata na lumabag sa batas.

Ayon sa mga senador at karamihan sa taumbayan, masyado pang bata ang siyam na anyos kung kaya nais nilang gawing 12 taong gulang ang age of criminal responsibi­lity. Sa Bahay Pag-asa dadalhin ang mga batang nagkasala, hindi sila ikukulong sa ordinaryon­g bilangguan at hindi isasama sa mga adult criminal.

Maging ang mga eksperto hinggil sa kaisipan at ugali ng bata, sinasabi nila na sa totoo lang, nagkakaroo­n lang ng sapat at tunay na kaisipan ang babae sa edad na 22 samantalan­g ang lalaki ay sa edad na 25. Sa ganito raw edad nagiging matatag ang kaisipan at desisyon ng kabataan. Eh papaano ang mga miyembro ng Kamara na nagpasa ng panukala, isip at asal-bata pa ba sila hanggang ngayon?

Depensa ng mga advocate na pumayag na babaan ang edad ng bata sa siyam, nagagamit umano ng mga sindikato ang mga bata sa krimen gaya ng illegal drugs, pandurukot, pagnanakaw at iba pa. Sabi naman ng kontra rito, ang dapat hulihin at usigin ay ang mga puno at galamay ng sindikato at hindi ang mga bata ang parusahan. Sila ang dapat itumba ng mga pulis at vigilantes. Anyway, inuulit natin, hindi na siyam na taong gulang ang minimum age ng bata kundi 12-anyos na.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines