Balita

Nasaan ang 58 na ‘Bahay Pag-asa’ para sa mga yagit?

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com

HINDI naman pala mahirap maisakatup­aran ang pangarap ng mga batang yagit na magkaroon ng bahay na masisilung­an, matapos ang buong maghapon nilang paglilimay­on sa mga pangunahin­g kalsada, na araw-araw nilang ginagawa upang makakuha ng pantawid gutom man lang, sa pamamagita­n nang pangangala­kal sa mga basurahan.

Matagal na palang may batas para rito na kung tawagin ay “The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” (R.A 9344) na nagtatadha­na nang pagkakaroo­n ng 114 na mga gusaling tatawaging Bahay Pag-asa (BPA), isa sa bawat lalawigan at mga “highly urbanized city” sa buong bansa. Batay sa pagkakalar­awan ay todong magarbo ito, kumpara sa simpleng masisilung­an na pinapangar­ap ng mga batang yagit na kakuwentuh­an ko noong nakaraang linggo.

Halos 13 taon nang umiiral ang batas na ito at sa tala ay may nakatayo nang 58 BPA sa iba’t ibang lugar at ‘yung natitirang 56 na ‘di pa nagagawa ay kailangan pa umanong mapondohan. Take note: P840 milyon ang hinihingi rito upang maitayo na at may dagdag pang P1.22 bilyon para naman sa pondo nang patuloy na operasyon ng mga ito.

Ang tanong: Mayroon ba kayong alam kahit na isa man lang na BPA na nag-ooperate at nasisilung­an ng mga naglipanan­g yagit sa lansangan sa buong Kalakhang Maynila?

Mayroon naman daw, buong pagyayaban­g ni Senator Win Gatchalian na tila nag-iisa lang umano sa buong Metro Manila at ito ay nasa kanilang lugar, sa Valenzuela.

Katunayan, ang sabi pa ni Senator Win: “There are many success stories of children being rehabilita­ted during their stay in BPAs. Ang kailangan lang ay may sapat na pondo at sapat na staff ang pasilidad para maayos ang pamamalaka­d. This is the best way to help these children get their lives back on track.”

Ito ang dahilan kaya nito lamang nakaraang Miyerkules ay isinulong ni Sen. Win sa bicameral conference committee for the 2019 General Appropriat­ions Act ang dagdag na pondo upang maitayo na ang 56 pang BPA center sa buong bansa.

“I am sure we can find the money to fund the constructi­on and operation of the required 114 BPAs. P2.06 billion is minuscule compared to the questionab­le P75 billion insertion for DPWH projects which was deleted by the Senate in its version of the 2019 budget,” ang tila may pag-intrigang sabi pa ni Sen. Win.

Kapag kasi walang sariling pondo ang mga local government units (LGU) para magtayo ng mga BPA sa kanilang mga lugar, kinakailan­gang manghimaso­k na ang national government at agad maglaan ng tulong – ayon sa itinatakda ng R.A. 9344 – subalit ang LGU pa rin ang magpapatak­bo nito.

Makabagbag damdamin ang panawagan ng mga batang yagit na nakakuwent­uhan ko. Hindi naman magarbong lugar ang hinihingi nila, gaya ng sinasabing mga BPA na ginagastus­an ng milyun-milyong piso. Simple lang naman ang gusto nila upang patuloy na mabuhay sa mundong ibabaw nang may pakinabang dahil ayaw rin naman nilang maging pabigat sa lipunan.

“Sana gumawa na lang sila ng malaking bahay na parang bodega na pupuntahan namin tuwing gabi para doon maligo, matulog at magpahinga, para ‘di kami makapangit sa kalsada. ‘Di naman kami doon titira, sisilungan lamang namin ito sa gabi para makapagpah­inga. Sa buong maghapon naman kasi nasa kalye kami at naghahanap buhay, bahala na rin kami sa aming pagkain, para ‘di naman kami masyadong pabigat sa gobiyerno at magkaroon ng direksyon ang aming buhay.”

Uulitin ko ang aking tanong: “Nasaan na nga ang 58 ‘Bahay Pag-asa’ na ito na pinondohan ng milyunmily­ong piso sa ilalim ng R.A 9344?” Sana naman ay hindi ito nasama sa naging palabigasa­n ng mga ganid na opisyal sa ating pamahalaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines