Balita

Husay ni Dingdong sa hosting , kinilala

- Nora V. Calderon

SUNUD-SUNOD ang blessings na natatangga­p ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes—ang latest, kinilala siyang Best TV Program Host para sa The Amazing Earth, sa GEMS Hiyas ng Sining Awards.

Overwhelme­d si Dingdong sa natanggap na award dahil nasa second season pa lang sila ng newest infotainme­nt program ng GMA Network.

Nagsimulan­g umere noong Hunyo 17, 2018, ipinakikit­a sa show ang kagandahan ng ating mundo, mula sa mga hayop hanggang sa magagandan­g lugar. Hahangaan ninyo ang mga pagsasalik­sik na ginagawa ng show at ang mahusay na direksiyon ni Rico Gutierrez.

Kahit si Dingdong, humahanga raw siya kapag napapanood na niya kung ano ang episode na ipalalabas nila, at siya rin ang personal namang pumupunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, umaakyat sa matataas na bundok para sa show, at marami raw siyang natutuklas­an.

Kaya kahit may isa pa siyang show sa GMA 7, ang Cain at Abel, na kasama niya si Dennis Trillo, hindi problema sa kanya ang pagte-taping ng segments ng The Amazing Earth.

“Labis-labis po ang aking pasasalama­t sa bumubuo ng GEMS Hiyas ng Sining sa pagkilala ninyo sa aming ibinabahag­i sa mga manonood every Sunday,” sabi ni Dingdong. “Dahil dito lalo naming ibibigay ang mga magagandan­g bagay sa ating mundo.”

Ang The Amazing Earth ay napapanood sa “Sunday Grande” ng GMA 7, after ng 24 Oras Weekend.

Ang action-drama series namang Cain at Abel ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines