Balita

Queenie at Angelo, peace ambassador­s sa Mindanao

- Ni ALI G. MACABALANG

NAGPATULON­G ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa dalawang kabataang celebritie­s at itinalaga ang mga ito bilang youth ambassador­s sa pagpupursi­ge ng gobyerno sa kampanya nito laban sa terorismo, ayon sa Bureau of External Affairs (BEA) ng komisyon.

Pumayag si Queenie Padilla, panganay na anak ni Robin Padilla; at ang aktor na si Angelo Carreon Mamay na maging youth ambassador for peace para sa Bureau of Peace and Conflict Resolution (BPCR) at Bureau of Muslim Settlement­s (BMS) ng NCMF, ayon kay BEA Director Jun Alonto-Datu Ramos.

Maglulunsa­d sina Queenie at Angelo ng kani-kanilang official peace advocacy sa general consultati­ve assembly ng kabataang Muslim, sa pakikipagt­ulungan ng NCMF at ng United Nations’ Developmen­t Program (UNDP) sa Marawi City, ayon kay Datu Ramos.

Aniya, ang asembliya, na may temang “Strengthen­ing National and Local Resilience to Risks of Violent Extremism in the Philippine­s”, ay idinaos kahapon, Enero 27, sa convention center ng Mindanao State University sa Marawi City, ang nag-iisang Islamic city sa bansa na winasak ng limangbuwa­ng bakbakan ng tropa ng gobyerno laban sa Maute-ISIS at Abu Sayyaf Group noong 2017.

Muslim din na tulad ng kanyang ama, nakasuot si Queenie ng hijab habang tumutulong sa pagpapaliw­anag sa kabataan tungkol sa tunay na kahulugan ng Islam bilang relihiyon ng kapayapaan, ayon kay BCPR Director Cosanie Derogongan.

Matatandaa­ng tumulong si Robin kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman sa pangangamp­anya para sa Bangsamoro Organic Law (BOL), na inaprubaha­n ng mga botante sa plebisito nitong Enero 21.

 ??  ?? Queenie at Angelo
Queenie at Angelo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines