Balita

Wanted ng Comelec: Sumbungero

- Mary Ann Santiago

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na kaagad na i-report sa kanilang tanggapan ang mamamataan­g illegal campaign materials sa mga lansangan, o iyong mga hindi tumatalima sa ipinatutup­ad na panuntunan ng komisyon hinggil dito.

Ito ay kasunod ng pagsisimul­a ng campaign period para sa mga senatorial at party-list groups para sa eleksiyon sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Spokespers­on James Jimenez, ngayong panahon na ng kampanyaha­n ay bawal na ang pagpapaski­l ng campaign materials sa mga lugar na hindi deklaradon­g common poster areas, gayundin ang mga campaign materials na mas malaki sa sukat na itinatakda at pinapayaga­n ng poll body, alinsunod sa Comelec Resolution No. 10488.

Kahit sino naman, aniya, ay maaaring mag-report sa Comelec ng illegal campaign materials, sa pamamagita­n ng pagkuha ng larawan nito at pagpapaski­l sa social media, gamit ang hashtag na #SumbongSaC­omelec.

Dapat din umanong tukuyin ng sender kung paano nalabag ng nasabing litrato ang guidelines ng Comelec, at ilagay sa caption kung saan matatagpua­n ang naturang illegal campaign material.

Una nang naglabas ng notice ang Comelec sa mga kandidato na baklasin ang kanilang mga campaign materials sa mga lansangan bago ang pagsisimul­a ng campaign period, at nagbigay pa ng hanggang tatlong araw na palugit.

Samantala, ipinagbaba­wal ang anumang political at campaign materials at activities sa mga simbahan na sakop ng diocese ng Balanga, Bataan.

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mayroon silang inilabas na pastoral directive na walang anumang political tarpaulins na makikita sa mga patio at maging sa mga bakod ng simbahan.

Pinahintul­utan naman ang mga lay parish officials na magtrabaho para sa mga kandidato, ngunit dapat munang maghain ng leave of absence ang mga ito, ayon sa obispo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines