Balita

KATHNIEL, inakalang nag-break

- Ni ADOR V. SALUTA

MALAKING palaisipan kung bakit hindi nakasama ni

Kathryn Bernardo ang kanyang partner na si Daniel Padilla nang umattend siya sa 3rd FDCP Film Ambassador­s Night nitong Linggo ng gabi sa Taguig City.

Sa halip na ang dyowang aktor ang kasama ni Kathryn sa pagtanggap ng Camera Obscura Award para sa pelikula nilang The Hows of Us ay sina Direk

Olive Lamasan (executive ng Star Cinema) at Carmi Raymundo (scriptwrit­er) ang nakitang kasama ng dalaga.

Sa kanyang acceptance speech pagkatapos matanggap ang trophy, sinabi ni Kathryn: “Ahhm, hindi n’yo po alam kung gaano kami kasaya lahat sa ibinigay ninyong karangalan para sa pelikula naming.

“Ahhm, actually kinakabaha­n po ako na pumunta dito, kasi, first time kong pupunta sa ganito. At para ma-recognize ‘yung pelikula namin, napakalaki­ng bagay po sa amin, kaya maraming-marami pong salamat. “Ito pong award na ito, gusto po namin siyang i-share sa napakarami­ng tao na tumulong sa amin para mabuo ang The Hows of Us. Unang-una, wala po dito pero talagang nagpapasal­amat po siya—si Mr. Daniel Padilla...” Pagkatapos matanggap ang award, agad na umalis si Kathryn at dito na pinagkagul­uhan sa lobby ng Samsung Hall ang aktres. Sa kanyang pagmamadal­i, may ilang media ang nakasingit na maitanong sa aktres kung bakit ‘di niya kasama si Daniel? “Kasi po, out of town siya ngayon. Hindi kakayanin para makauwi na. So, ako muna ngayon...” Naging isyu nitong nakaraang araw na break na raw sila after na i-unfollow ni Kathryn sa kanilang social account ang boyfriend. Paliwanag ng aktres dito, may napindot daw siyang unfollow (o unfriend) button kay Daniel, at aksidente lang ang nangyari.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines