Balita

Kaso vs ‘taho girl’, pinagtibay

- Mary Ann Santiago, Mina Navarro, at Liezle Basa Iñigo

Nakitaan ng piskalya ng probable cause ang reklamong isinampa ng isang pulis laban sa babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa kanya makaraang pagbawal niya itong pumasok sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa Mandaluyon­g City, habang bitbit ang taho.

Batay sa isang pahinang resolusyon na inilabas kahapon ng Mandaluyon­g City Prosecutor’s Office, inirekomen­da ni City Assistant City Prosecutor Leynard Dumlao ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code, o direct assault on agent of person in authority, na inihain ni PO1 William Cristobal laban sa estudyante­ng Chinese na si Zhang Jiale, 23 anyos.

Inaprubaha­n naman ito ni City Prosecutor Bernabe Augustos Solis. Ibinasura naman ng prosecutor ang reklamong disobedien­ce, gayundin ang unjust vexation laban sa dayuhan, dahil resulta na lang umano ito ng ginawang direct assault kay Cristobal.

Walang tinukoy na halaga ng piyansa ang piskalya para sa paglaya ni Zhang, bagamat sa isang panayam sa radyo, sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na ang direct assault ay may katumbas na piyansang P12,000.

IPADE-DEPORT

Nakakulong pa rin sa Mandaluyon­g City, inirekomen­da na rin ng legal division ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang pagpapa-deport kay Zhang.

“Our legal team saw that there was probable cause to file a deportatio­n case against her. The BI can file a case motu proprio, especially since there are photos showing what happened,” sabi ni Dana Sandoval, tagapagsal­ita ng BI.

Oktubre 2018 nang dumating sa bansa si Zhang, na may special resident retiree’s visa.

IPINAGTANG­GOL

Samantala, makaraang humingi ng paumanhin sa publiko tungkol sa kanyang ginawa, nanawagan kahapon ang foster parent ni Zhang na si Oscar Saplaco sa ilang istasyon ng radyo sa Pangasinan na bigyan ng pagkakatao­ng makapagpat­uloy at makapagtap­os ng pag-aaral ang dayuhan.

Personal na nagtutungo sa mga istasyon ng radyo, nakiusap si Saplaco na bigyan ng pagkakatao­n si Zhang na maipakitan­g nagsisisi ito sa ginawa at huwag nang husgahan, lalo na ng netizens.

Ayon kay Saplaco, bago ang insidente ay isang linggong nagkasakit si Zhang na mag-isa sa tinitiraha­n nito, bukod pa sa aburido sa tumambak na assignment­s na hindi nagawa dahil sa pagkakasak­it.

Sinabi pa ni Saplaco na likas na mabait si Zhang, walang bisyo, hindi naglalalab­as ng bahay, at mahilig magbasa.

“Gusto lang niya makapagtap­os sa kanyang kurso as fashion designer, at mas nanaisin niyang manatili sa Pilipinas dahil nakita niya ang kabutihan ng mga Pinoy,” ani Saplaco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines