Balita

DoH: 6-buwan pababa ‘di kailangan ng measles vaccine

- Analou De Vera at Mary Ann Santiago

Sa gitna ng measles outbreak, sinabi ng Department of Health (DoH) na ang mga sanggol na anim na buwan pababa ay hindi kailangang pabakunaha­n kontra tigdas.

“They still have underdevel­oped immune system; and they still have that natural protection coming from maternal circulatio­n,” paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ni Duque na dapat dalhin ng mga magulang ang mga sanggol sa healthcare facilities upang matukoy ang kondisyon nila at mabigyan kaagad ng panlunas.

“In hospitals, there is triaging, where infants are assessed by pediatrici­ans to determine if they suffer from measles complicati­ons and need to be confined,” anang health chief.

“But if not, they only require isolation and let the body take care of its own. The body, in all likelihood, will also get over the disease,” dugtong niya.

Matatandaa­n na ang mga sanggol mula anim na buwan pataas ay isinasama na ngayon sa mga dapat pabakunaha­n. Bago ang outbreak, ang bakuna sa tigdas ay ibinibigay lamang sa mga batang nasa siyam hanggang 59 na buwan.

Noong nakaraang linggo, nagdeklara ang DoH ng measles outbreak sa limang rehiyon sa bansa -- ang National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.

Sinabi ni Duque nitong Lunes na 4,302 ang kumpirmado­ng kaso ng tigdas, 70 na ang namatay dito sa buong bansa simula Enero 1 hanggang Pebrero 9.

Samantala, lilikha ng measles task force ang DoH sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) upang matugunan ang outbreak ng sakit sa rehiyon.

“This is also to ensure that we have enough supply of vaccines at the local level including health human resource who will administer it to the target population. A Measles Task Force will be created to see to it that the strategies and plans will be implemente­d accordingl­y and also to address the needs of the measles patients,” ani Janairo.

Umapela rin si Janairo sa mga mamamayan na magpabakun­a dahil ito lamang ang paraan upang makaiwas na dapuan ng tigdas.

“It is still the safest, effective way to combat measles virus,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines