Balita

Pilipinas gagawing ‘Maharlika’ kailangan ng batas

- Nina GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA

Maipatutup­ad lamang ang panukalang baguhin ang pangalan ng Pilipinas sa pamamagita­n ng isang batas na isasalang sa referendum, sinabi ng Malacañang kahapon.

Naglabas ng pahayag si Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo isang ataw matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilida­d na palitan ang pangalan ng bansa at gawing Maharlika.

“The Constituti­on provides that Congress may enact a law that can change the name of the country and then submit it to the people for a referendum,” aniya sa panayam ng mga mamamahaya­g sa Palasyo.

Sinabi niya na binanggit lamang ng Pangulo ang idea, at bahala na ang mga mambabatas kung gagawa ng batas para sa pagpapalit ng colonial name ng bansa.

Aniya, ang panukala ng Pangulo na palitan ang pangalan ng bansa ay “more of asserting our national identity.”

Sinabi ng Pangulo na ang pagpapalit ng pangalan ng bansa sa Maharlika ay sumasalami­n sa Malay identity ng bansa.

Para kay Duterte, nasusuklam sa mga nakalipas na mananakop ng bansa, tama ang namayapang si Pangulong Ferdinand Marcos na ipananukal­a ang Maharlika bilang bagong Pilipinas. Ang Pilipinas ay ipinangala­n kay King Philip II ng Spain nang ang bansa ay kolonya ng Spain.

Nang tanungin kung seryoso ang Pangulo na palitan ng Maharlika ang pangalan ng bansa, sinabi ni Panelo na: “Well, sa tingin ko kay Presidente ay magandang pakinggan ang Maharlika.”

Aniya kapag nagtagumpa­y ang pagbabago ng pangalan, ang mamamayan ay maaaring tawagin na “Maharlikan­o” o “Maharlikas.”

“Royalty hindi ba, sa Filipino language, ‘maharlika’ means royalty,” ani Panelo.

Nais din ni Magdalo Rep. Gary Alejano na baguhin ang pangalan ng Pilipinas at gawing Maharlika.

Dati nang isinulong ni Sen. Eddie Ilarde ang pagbabago sa pangalan ng bansa sa pamamagita­n ng isang panukalang batas ilang taon na ang nakalipas.

“When he was a senator, I remember he introduced a bill pero wala yatang nangyari,” ani Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines